Chapter 7.3

4.9K 98 1
                                    

NAPASINGHAP si Kayna sa emosyong buong-buo na umalpas sa mukha ng lalake. Napalunok siya. Their story seemed to intertwined with just one cause: betrayal by their loved ones. Siya, sariling pamilya. Ito, sariling asawa at kaibigan. Buhay nga naman.

Hindi na siya nakatiis nang walang babalang nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang nasa dibdib nito.

“J-just stop, Tristan. Just do. All of those was happened in the past now. You survived. And in the end, you find love again, isn’t it?”

“I was devastated and my life was almost ruined,” pagpapatuloy nito na waring hindi siya nagsalita. “I was into drugs and booze. And everything just then was just a lost cause. Ang masakit doon, kailangan munang mawala si Daddy para ma-realize ko na maikli lang ang buhay para hayaang sa wala rin mapupunta ang buhay ko. I have to fight tooth and nail for it.”

“It’s a choice you have to make. The only choice. Like I do,” tahimik na saad niya matapos punasan ang mukha.

Biglang napabaling ng tingin sa kanya si Tristan.

“What do you mean?”

Siya naman ang napatitig dito. The way he looked at her seemed to tell na kahit siguro sasabihin niyang siya ang pasimuno ng digmaang pandaigdig, he still going to understand her. And he gave her his trust by just telling his dark past upfront. Why not her, too?

Napalunok siyang muli na ibinaling sa labas ng bintana ang tingin. Nasa Burgos na sila, isa pang bayan iyon sa Ilocos Norte na unti-unting nakikilala dahil sa malawak nang pataniman doon ng dragon fruit at ang windmills na dati lang ay nasa Bangui, isa pang bayan na katabi lang din bago ang Pagudpud.

Huminga siya nang malalim at nagsimulang magkuwento. Wala na siyang itinago. Ni hindi ito umiimik. Nakikinig lang sa lahat ng detalyeng lumabas sa bibig niya. Salitan ang sulyap nito sa daan at sa kanya.

“At kahit hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakapa sa dibdib ko ang pagpapatawad sa aking mga magulang. They cause me enough trouble to lasts a lifetime. If…” Nanginig na ang boses niya. “If only I did not lose my child in the process, maybe I could kahit hindi na sila hihingi ng tawad. I just willingly gave it to them without asking something in return. Mahal ko ang batang iyon sa kabila ng lahat.”

But when she tried to look at Tristan, those dark, unreadable tensions on his features gave her goosebumps.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon