Chapter 7.1

4.9K 92 5
                                    

Dedicated to April Guindali...thank you for reading😊

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

RALION needed to be confined in the hospital for additional two days. Sa kakaayaw kasi nito’ng kumain, nanghina ito na siyang dahilan ng pagkahimatay nito. But he was eating again soon after na magising ito a day earlier at siya ang nagpakain.
Nandoon din si Tristan, assisting her. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na para silang isang pamilya sa lagay na iyon.

Tristan, the father.

She, the mother.

And Ralion, their child.

Habang pinapanuod niya ito sa pagpupunas kay Ralion, parang nais magsikip ang dibdib niya nang maalala ang batang iniwan niya noon kay Yaya Meding. Siguro, kung buhay pa ito hanggang ngayon, gaya na rin siguro ito ni Ralion. Malaki na, busog sa pagmamahal niya. Or if he was dead already, she prayed so hard to let him know na mahal niya ito. Whatever the consequences that make her bore him, hindi iyon isang hadlang not to accept him fully. He was a part of her. Wala itong naging kasalanan sa nangyari.

“Hey, okey ka lang ba?” biglang agaw ni Tristan sa pansin niya, nag-aalala.

Nahamig niya tuloy nang wala sa oras ang sarili sabay tango. “Sure. Huwag mo ako’ng pansinin.” Pinilit niyang ngumiti na muling kumutsara ng kanin at isinubo iyon kay Ralion. “Eat up, sweety. Uuwi na tayo mamaya. Happy?”

Umungol ito. Bigla tuloy silang nagkatinginan ni Tristan. Pati si Tita Telly ay napalapit kaagad.

“W-what is it?” nag-aalalang tanong nito.

“He…he tried to talk, Mom. Oh, God! I can’t believe it!” bigla’ng naibulalas naman ni Tristan.

The way his emotions crisscrossing his face was enough para mamasa ang mga mata ni Kayna. She felt the need to hug him. To share the happiness she also felt with him. But she looked away knowing na wala siyang karapatan na gawin iyon. Lily cradled his heart. He belongs to her. She masked the hurt with a cheery face and fastened her fake smile again. Nang makakuha siya ng tiyempo’ng sumaglit sa CR/bathroom, kinailangan niya ng kung ilang ulit na paghinga ng paloob at palabas para payapain ang sarili habang nakasandig sa dingding at nakatingala sa bubong.

Pero nang uuwi na sila, saka naman sumulpot si Lily. May dala-dala itong basket ng prutas para kay Ralion at flower arrangement naman para kay Tita Telly. As usual, she looked every bit of a model again na kahit yata sako ng semento ang idamit dito kayang-kaya pa ring dalhin and show it like the biggest hit of a dress of the century. Ang kunswelo na lang niya, hindi siya mapagkakamalang housemaid nito kahit magtabi sila dahil maayos din siyang magdamit. And yes, mas makinis at mas may buhay ang kutis niya kumpara rito dahil parang takot pa yatang masikatan ng araw with her pale looking skin. At bago pa man pumasok si Tristan sa kotse, yumapos muna ito rito at naghalikan sakanilang harapan. She averted her eyes in an instant.

But Tita Telly seemed to sense what she felt dahil bigla nitong diniinan ang busina ng sasakyan bago lumabas sa passenger side sa unahan and demanded na magpalit sila ng puwesto.

“Come on, hija. Ako na diyan. Old women like me should not suppose to seat in front kung aantok-antok lang pagkatapos. Pag maganda at bata pa na gaya mo, they can run away with it. Pag matanda na, it’s a disaster,” pamimilit nito.

“Naku, huwag na po. I’m okey here. Ako na lang po ang bahalang umalalay kay Ralion,” tanggi niya kahit ang totoo parang nais niya itong yakapin at bigyan ng medalya sa tuwa rito. “Kayo nga po diyan. Saan niyo naman napupulot ang ideya na iyan?”

“It declared by the Miriam Defensor-Santiago in me.” Bigla itong humagikgik ng pilya. “I love her. Such strong and hard-headed woman. Sige na, hija. Dito ka na. Para ako’ng nakukulob dito sa harap. It makes me uneasy.”

Noon naman lumapit si Tristan. “O, ano’ng problema?”anitong sumilip sa gawi niya.

Tumingin sa kanya si Tita Telly as if daring her para siya ang kusang sumagot sa anak nito. Napakibit-balikat na lang siya na inayos sandali ang pagkakasandig ni Ralion bago siya lumabas sa kabilang pinto.

“Bye, sweetheart. Be safe. Give me a ring pagdating niyo doon,ha?” bilin na naman ni Lily na ngumuso ulit at hinintay na tukain iyon ni Tristan.

Napapasimangot siyang pumasok na lang at binutingting ang cellphone. Sangkatutak na bilin kay Dalya ang nai-type na niya doon bago niya napansing pumasok na rin si Tristan sa driver’s seat. Wala siyang kaimik-imik na ikinabit na rin ang seatbelt at inihanda ang sarili sa biyahe. Maging si Tita Telly ay nasulyapan niyang umayos din ng upo at nagsimulang umidlip, Ralion on her embrace.

Isinalpak na rin niya ang earphone at pinanindigang huwag pansinin ang katabi na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

A Home In Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon