“’MORNING, Mom. How was your night?” Lumapit si Tristan sa ina at hinalikan ang bumbunan nito.
“Fine, hijo. Restful. Ikaw?” Iminosyon naman ni Mommy Tina ang bakanteng upuan sa harap nito.
“As good as it gets,” aniya naman na agad dinampot ang isang baso at nagsalin doon ng freshly squeezed orange juice mula sa crystal pitcher. Bottoms up.
Nasa garden set sila katabi ng infinity pool na tumutunghay sa Pasaleng Bay.
It was another beautiful but chilly February morning pero unti-unti nang hinahabol iyon ng sikat ng araw. In fact, kagagaling lang niya sa pagdya-jogging sa gilid ng dagat. Nagpalit lang siya ng damit na nabasa ng pawis kanina to join her mother for another weekend breakfast which she instigated as a rule na hindi niya puwedeng baliin unless it was an emergency. Sabagay, wala naman siyang angal doon considering na ito na lang din ang natitirang malapit na kapamilya niya. At ang pamangkin din niya.
Speaking of his pamangkin, Ralion was looking ahead but nothing in particular. Sige lang ito sa pagnguya sa isinubong pagkain ni Mommy Tina. Pagnguya lang ang natitira nitong kaalaman matapos itong puntiryahin ng traumatic stress disorder. Bunga iyon ng trahedyang kinasangkutan ng kanyang nakatatandang kapatid at asawa nito na magulang naman ni Ralion.
Masakit sa kanyang tignan ito sa kalagayan na parang binaligtad ang katauhan. Mula sa pagiging bibo, masayahin, mapagmahal, malambing at masunuring bata who is way into his seven years, naging matatakutin na ito, animo wala nang pag-asa, hirap pa sa pagtulog. At kung makatulog naman, nananaginip naman ito ng nakakatakot kaya umiiyak na naman ito buong magdamag. Minsan, tulala na lang at lahat. Hindi na nga nito alam na subuan ang sarili, hindi na rin makalakad.
Now, he was wheelchair-bound and God knows kung gagaling pa ito. Para na itong buhay na patay with his motor skills all shut off save for his chewing ability.
Tumalungko siya sa harap nito. “How are you, kiddo?” His heart went out to him again. Hinaplos-haplos niya ang ulo nito. Kung tao lang ang tadhana, pakikiusapan niya ito na iwan si Ralion kasabay ng pagbabalik nito sa dati ang lahat at muling painugin ang buhay nito sa pagiging kontento at masaya. “You will going to be alright, I know. So please, Ralion, fight for yourself, fight for all of us. We’re still here for you. Mom and I love you so much.” Bumaling siya sa ina. “Mom, you think, it’s about time na ipasuri na natin siya sa psychiatrist? I hate what he was gotten into. Bata pa siya pero matinding pagsubok na kaagad ang nararanasan.” Tumiim ang mga bagang niya.
Mommy Tina pushed aside her breakfast. Nawalan na ito ng ganang kumain. Lumapit ito sa kanila at kapwa sila niyakap. Mabigat ang buntong-hininga nito na sinasalamin ang mabigat ding kalooban.
“S-siguro nga, anak. Pero huwag muna agad-agad. If we do now, it will also give him the record that marks him the rest of his life. Let’s just hope that he’ll come around sooner. Sa ngayon, tignan natin kung ano ang puwede nating magagawa pa.” Sumenyas ito sa babaeng nurse na nag-aalaga kay Ralion. “Pakibihisan muna si Ralion, hija. Ibibisita ko muna siya sa bahay ng dati niyang yaya. Marami siyang kaibigan doon.”
Pabuntong-hininga na nag-give way si Tristan. Isinunod ang nalulungkot at naaawang tingin sa pamangkin bago napapailing na umupo sa upuan.
Saka naman may bumusina.
Napalingon silang mag-ina sa driveway na natatanaw din ng kunti sa kinalalagyan nila save for the flowering pink and white bougainvillea that obscure the view. Lumabas mula sa puting Honda Civic si Noel. Ugali na din nito’ng pumunta sa kanila tuwing weekend. Hindi siguro masyadong busy since last weekend lang din sila ulit nagpangita sa Fort Ilocandia during the company blow-out.
Napakunot-noo siya nang umikot ito pakabila at binuksan ang passenger’s side.
Napatayo na silang mag-ina.
A pair of long and shapely legs in a dainty doll shoes came out first bago tuluyang lumabas ang nagmamay-ari nu’n.
It’s Kayna.
Muli, a feeling of something primal seized him. Something skips a beat, too. But that same feeling gave him that survival instinct which effectively stops him from wandering beyond the fence.
Napapormal siya tuloy. Naalala niya ang sinabi niya rito nang ibigay niya ang go-signal sa gagawing renovation sa office ng NSC. Did he actually ask her for a date, really?
Bago pa niya nasagot ang katanungang iyon, nasa harap na niya ang dalawa.
Kayna de Rivera was a vision of a blooming pale pink rose after a rainshower. Her simplicity was simply breath taking. Naka-shorts lang naman ito ng puti, enough to show off her nice fair legs that stretched as long as the Patapat Viaduct, one of his favorite destination in Ilocos Norte. Malapit lang naman iyon sa beach house nila na naging main house na rin nang mamatay ang daddy niya limang taon na ang nakakaraan. She was coincidentally in a sleeveless pale pink rose, too, with ruffles finishes in its neckline. Walang make-up. Naka-pony tail lang din with some wayward hair dangling on her right ear. Awtomatikong nagbaling siya ng tingin mapasadahan ang mamula-mulang labi nito.
Gusto niyang matawa sa sarili sa ginawang pagrerehistro ng mga bagay tungkol dito. Some women are really mysterious creatures. At ang kaharap niya’y hindi malayong ganoon din. All the more na kailangan niyang sagkaan ang sarili sa mga kagaya nito. Hindi na niya kailangan ulit na mapaso para malaman kung gaano iyon kahapdi. Tama na ang minsan.
“Tita, si Kayna de Rivera,” pagpapakilala ng pinsan niya. “Siya na po ‘yong sinasabi ko sa phone na interior designer which the company hired for the corporate office renovation. In fact, things already rolled in. And the last time na bumisita ako doon, malaki na ang improvement considering na mag-two weeks pa lang ang nakaraan.” Saka nito binalingan ang dalaga. “And Kayna, ito naman si Tita Tina, my favorite aunt in the whole world.”
“Kumusta po?” may kiming sabi nito. “Sir Noel told me na may plano din po daw kayo na i-renovate itong beach house niyo. So maybe, baka daw interesado din po ako. Iyon po ang dahilan kaya isiningit ko na din po’ng sumama sa kanya dito. Just one look around and I instantly like it here.”
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...