This chapter is dedicated to:
user88197419. Thank you for reading.❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
“HIJA, if you think I am not imposing too much on you, maaari bang sumama ka na din muna sa amin sa Pagudpud? At least, kahit man lang kapag okey na ang apo ko. As I have said before, he responded in you. Naniniwala ako na kung magtuloy-tuloy ito, tuluyan na din siyang makakabitiw sa sakit niya. Please, hija.”
Nakaupo siya sa gilid ng kama ni Ralion habang pinapanood niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Kagaya ng dati, may ngiti na naman ang mga labi nito.
“Tempt her more, Mom. If you push the right button, she might say yes on your offer. Believe me,” singit ni Tristan na nasa mini-salas. His two feet propped up on the center table habang nakadagan naman ang laptop sa hita nito, browsing on some business files, no doubt. Nag-angat nga lang ito ng tingin para lang kindatan siya.
Inirapan niya ito. “Ugh. Talaga naman. I already made up my mind to accept the offer noon pa. I wanted to push through with the project para doon sa bahay niyo sa Pagudpud.” Inabot niya ang may kalakihang purse niya na nakapatong sa side table at kinuha mula roon ang tablet. She opened some files hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap. “Here. I already did some planning. That will do as proof.”
Pero si Tita Telly ang agad umagaw doon and browse on it herself bago excited na lumapit sa anak.
“Hija, nakita ko na ang ginawa mo sa corporate office ng NSC. I love it. I really do. And now, this. Plano pa lang pero nai-imagine ko nang maganda ang kalalabasan. Please come. I might die if you turn me down now.”“Mom, sobra ka naman,” angal ni Tristan. “Ipakidnap mo na lang kung hindi siya papayag. At palalayain lang kapag maayos na ang lahat.”
Pilyang napatingin si Tita Telly sa kanya. “You are giving me some idea, hijo.”
Natawa siya. “But I’m coming.”
Ngumiti lang lalo ang ina ni Tristan. Sa nakita niyang kislap ng mga mata nito, malamang nga’y napasaya niya ito nang labis pa sa kanyang inaasahan.
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...