CHAPTER TWO
KAYNA doesn’t know kung ano ang gagawin para maapula ang pag-iinit ng pisngi. Pulang-pula na nga iyon ngayon considering na may kaputian siya. Nakatayo siya sa harap ng salamin na parang tanga habang tinutunghayan ang sariling repleksiyon sa loob ng ladies room ng sadya niyang building. Hindi maalis-alis sa isipan ang mukha ng lalake at ang nangyari habang nasa daan sila. Really, hindi araw-araw na may hahawak nang ganu’n sa dibdib niya na parang starfish na nakasalpak sa coral reef sabihin nang hindi iyon sinasadya. Nakakahiya. Buti sana kung—
“S-stop it!” impit na naitili niya. Pero nagtuloy pa rin sa isipan ang tinutungo ng isip niya: Buti sana kung wala siyang naramdamang kakaiba sa nagyari paukol sa lalake! She shake her head vigorously. “Focus now. Focus now,” pagkausap niya sa sarili. Pero nang masulyapan na naman ang relo, hindi na niya kailangang pilitin ang sarili. Eight minutes na lang para makahabol pa siya sa meeting niya.
Naghalukay siya sa loob ng back pack at inilabas ang suklay. Inayos ang buhok at iginapos iyon into a pony tail. Isinunod na ginuhitan ng lipstick ang labi. Di na siya nag-aabala pang mag-make up sa pulang iyon ng mukha niya. Pressed powder na lang ang inilagay saka siya nagwisik ng pabango. Isinuot niya ang kanyang strappy sandals saka siya umikot-ikot para matignan kung maayos na lahat. Nang makuntento’y pinagtitiklop na kaagad ang mga pinagbihisan, gathered some tools of her trade along with her design at lumabas na pabalik muli sa parking area. Inihabilin ang motor at back pack sa guwardiya saka patakbo nang tinungo ang elevator.
Paglabas niya sa ikalimang palapag, gayon na lamang ang gulat niya nang sa kanyang pagliko bigla siyang bumangga sa pader.
Pero hindi pala.
“What the—“
“Hey. Watch up!” Nagsalita ang pader na sumalo kaagad sa kanya nang payakap para huwag siyang matumba.
Siya nama’y on instinct ding napayakap dito sukat para mabitiwan ang mga hawak-hawak at magliparan ang mga iyon sa paligid. Sa nangyari, pamilyar na amoy kaagad ang sumalubong sa kanyang ilong kaya nanlaki kaagad ang kanyang mga mata.
Not again! But it was the same man, indeed. Napaungol siya na kaagad bumitaw dito. Para siyang hipon na pumasag-pasag pa nang tila pa yata napipilitang bitiwan siya. Buti kung hindi na naman sumisikdo-sikdo ang nasa dibdib niya na pinaghirapan pa naman niyang pahintuin kanina. Her fine hair now stood on end when a tingling sensation caught her and it ricocheted into her bone morrow. Kung hindi ba naman…
“I-ikaw na naman!” Nagpapatay-malisya siya na iniiwas ang mga mata. Kung makatitig ang mokong na ito, may kung ano’ng hinahalukay sa kanyang damdamin. Kanina pa iyon. Kanina pa. At iyon na naman ang ginagawa nito sa kanya ngayon. Huwag lang siyang mataranta, aakto siya na wala lang iyon sa kanya. “Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?” Umirap pa siya bago ang paupo’ng pagpulot sa mga nagkalat na gamit at papel. But all her senses were tuned in. Kung sosobrahan niyang magsalita, walang ligtas sa kanya kahit ang tunog ng nahulog na karayom. Kahit sa gitna ng pagkabog ng dibdib niya, malamang ay madidinig niya iyon.
“Ahm… Excuse me.”
As expected, napapitlag pa siya nang madinig ang mala-disc jockey na boses nito. “W-whom you are talking to?” Luminga pa siya sa paligid bago tumutok ang kanyang mga mata ditto. Aw, Kayna, get a grip, girl. You can’t be stammered all the while. Really.
Pero hindi niya naman masisisi nang buong-buo ang sarili. Guwapo nga, eh. Judge Leo Kang might be a god and sent her someone looking like him. Pero hindi niya papayagan ang sariling kiligin dito nang harap-harapan. Hindi puwede. Sa dami ng tao sa mundo, si Dalya lang ang nakakaalam na dead na dead siya kay Judge Leo. At napupuyat siya minsan para lang mapanood ito sa Channel M kung saan ipinapalabas ang Master Chef Korea. And that’s the end of it.
Pero nang ngumiti na, napahugot siya ng paghinga. She automatically felt the itched to feel how those five o’clock shadows of beard in his chin tickled her hand. The feel of it. He was in a designer’s long sleeves polo now that fit nicely in his broad shoulders. Pero sa bawat pagkilos nito ay nababatak iyon. Along with a dark jeans that complemented it, wrapping his legs all in the right places.
Malamang nagpalit din kanina na gaya niya, naisip niya.
All in all, they bespoke of a man who could charm a thousand kisses from silly girls everywhere and make them fall in love along the way. Pupusta siyang mai-insecure ang lahat ng mga lalake’ng naging cover na ng Men’s Health. That body said so.
“May iba pa ba?” Lalong lumuwang ang ngiti nito. “Stand up. Ako na lang ang mamumulot sa mga iyan.” And he pointedly gave her the reason why by way of his eyes that glinted with mischief right now.
Namula kaagad ang mukha niya nang mahinuha niya ang ipinapakahulugan nito. Her face was only a feet and a half away in front of his crotch area. And she unconsciously ogled him all along!
Oh, my gulay ! Isilya-elektrika na ninyo ako! Dagli na siyang napatayo lalo pa at marami na palang empleyado sa paligid na nagbibigay ng galang sa lalake at kuryusidad naman ang ipinupukol sa kanya.
Awtomatiko ang pagsalo ng kanyang kamay nang iabot nito ang sariling laptop, a high end one, patunay na ang nipis nu’n at gaan. Hindi siya halos makapiyok habang nakamata na lang siyang pinanuod ang ginagawa nito. Ganuon din ang kanyang ginawa kahit nang isa-isa nito’ng pinag-aaralan ang blue print ng ipapasa niyang plano.
“Hmm…” Napatango-tango ito. “So, you are an interior designer, Miss de Rivera? These are good.” Nakatayo na ito sa harap niya.
“K-kilala mo ako?” She found her voice, at last. “Hindi ko yata maalala’ng nagpakilala ako sa iyo.”
He cocked an eyebrow and gently tapped the blue print downward. “Here,” turo nito sa pangalan niya. “Unless hindi ikaw ang nakasulat diyan as what this design implied.”
Oh, my God, her meeting! “Here,” agad na abot niya sa laptop nito at dagling in-snatch sa kamay nito ang hawak-hawak. “Thank you but I have to go.”
“Good luck!” pahabol nito.
Pero kumekendeng na lang siyang lumayo rito habang inii-scan ang bawat madaanang pinto hanggang sa makita niya ang sadya.
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...