Decicated to the following readers/followers:
1.liezelpadillo
2. queen_ellie17
3. cyrenekate16
4. bree1980
5. gemmamacawile00
Thank you po.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤“AND, Mom, I love her. I want to marry her soon,” may lambing na baling ni Tristan kay Kayna.
Nanlaki kaagad ang mga mata ni Kayna pero nakatawa naman. “Ha? So soon? You don’t even ask me. Ligawan mo naman ako kahit isang Linggo lang. And take note, with roses and chocolates and candlelight dinner sa garden ng NSC. You told me so.”
“Hey, talaga namang gagawin ko iyon, sweetheart. Kahit na mag-asawa na tayo, liligawan pa rin kita with roses, chocolates, candlelight dinner and much, much more. So now, I ask: will you marry me?”
Tumaas ang kilay ni Kayna habang pasinghot-singhot. Saka na naman napaluha ito. “Give me a ring. Fast. Because I really take you on your offer not only to be your wife but my home for the rest of my days. I love you, Tristan. I felt that more since the day na umangkas ka sa likod ng motor ko.”
Ngumiti siya sabay yakap dito at walang pangiming kinuyumos ng halik kahit nakatingin ang kani-kanilang mga magulang at ni Ralion. “I do, too. But maybe, I already did without knowing it when I saw you in Baguio at may nangyari sa atin. But believe me, I do nurse a broken heart that time, pero para kang diwata na may kakaibang kakayahan sukat para maramdaman ko iyon. Pag-ibig din ang gamot sa pusong sugatan. Ikaw marahil ang totoong itinadhana sa akin kaya kahit nagkahiwalay pa rin tayo noon, muli din tayo magkikita para bigyang katuparan ang tuluyang paghuhugpong ng puso’t damdamin natin. Para tayo sa isa’t isa. Mom,” baling niya sa ina’ng naluluha-nangingiti pa yata nang sabay, “pahiram sandali ng singsing mo at nang maselyuhan na ito at baka pumalag pa. Mahirap na.”
“Wala akong tutol, iho. Kung mas naaga-aga lang, matagal na kayong buo. Pero ayusin mo muna ang dapat ayusin,” anang mommy niya na inaalis ang singsing nito.
Nakuha niya kaagad ang nais nitong ipakahulugan. Tumango siya. “I will, Mom. Wala po kayong alalahanin.”
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
A Home In Your Heart
General Fiction"Hayaan mong mahalin kita. Let me be the home you have been searching for so long..." Sisinghap-singhap na ang savings ni Kayna de Rivera at ang tanging makasasalba sa kanila ng kanyang alalay ay ang proyektong hindi pa sigurado kung sa kanya nga ma...