Chapter sixteen... she’s the killer
Shane POV
Etong week na to ang pinaka ayokong week. Lima na ang clue ko at tig-iisang clue bawat killer. Lima sila.. namely….. Green, CL, Ace, Rann, at CeCe.
Clues:
1. ung lalaking tumalon baka siya si Green
2. ung kulay red na pusa na nag-iisang nakamulat ang mata, may ACE ung collar.
3. nung hinukay ko ung pinaglibingan ni Pristina may butones ng uniform sa kamay niyang nakahiwalay.
4. hikaw na may design na dahon, baka kay CeCe, Monday recess time ko nakuha un.
5. Panyong nakuha ko last Wednesday, may burdang dahon at Rann na palayaw.
Pinagmamasdan ko ung mga clues na nakuha ko ngayong lingo. Nakadalawa pala akong clues. Binabasa ko un habang nagchecheck ng attendance ng classroom. Ung mga pangalan ng kaklase ko puro ang lalayo sa pangalan nung killers..
Green? Wala namang green sa pangalan nila.. si Rogue green ang buhok niya pero imposible naman na kaya niyang pumatay
CL? Babae kaya to or lalaki? Lalaki Siguro dahil sa butones na clue… pero may isang babae sa room na may initials ng CL… si Airis. Airis Celestine Lazarro.. ACL, CL…. Pero hindi Ganito ang butones ng uniform nun. Kulay pula ang butones ng babae, blue itong nakuha ko.
Ace? Wala rin..
CeCe. Celina -___- pero parang imposible. Celina Menardo papatay? Pwede rin. kaso parang hindi eh
Rann… ung clue na nakuha ko sakanya.. nung Wednesday ko nakuha to.. panyo.. may nakaburda dito na itim na dahon. Nakuha ko to sa loob ng room nung naglabasan na, may Rann na nakaburda dito. At ung araw na un nagparamdam din ang killer na may Rann na palayaw. Tinignan ko lahat ng pangalan sa Attendance list.
O____________O
s-siya?? P-pero h-hindi maaari to! M-mabait siya..
Wesley RANN Festin.
Hindi maaari talaga. Bakit siya?! Nakuha ko ba talaga na siya un?? o nagkakamali ako?? kailangan kong matyagan ang kilos niya. kung isa siya sa mga killer…
“magkakatabi sila… magkakatabi sila shane”
Naaalala ko nanaman ang sinabi ni Justin. Ung araw na sinubukan ni Lady na hulaan ang killers..
Iniisip kong mabuti kung sino ang mga katabi niya… ilang set rin ng killers ang nakuha ko…
Set A
Rogue
Kriztel
Wesley
Arvin
Freed
Set B
Wesley
Arvin
Freed
Airis
Reita
Set C
Kriztel
Wesley
Arvin
Freed
Airis
Set D
Gwen
Rogue
Kriztel
Wesley
Arvin
Set E
Cheska
Gwen
Rogue
Kriztel
Wesley
Sa limang yan isa lang ang tamang listahan… kailangan ko mag-ingat baka mahuli nila ako.
=======