Chapter twenty-nine... Cellphone
Shane POV
Sa Wednesday na pala ang outing namin… malapit na.. nakatingin ulit ako sa langit.. ang daming bituin…
Ung mga killers… kailangan ko silang kilalanin… ang class F kailangan ko rin kilalanin.
Umupo ako sa kama at binukas ung box. Ung cellphone.
2444777444777799277788844466
Ano ba yang number na yan? sinubukan kong pindutin ung mga number sa keypad.
*tinininininninininin
O_______________________________________O
ung wallpaper nung cellphone na to… si Airis, Trinity at si Shane… pero bakit ganun ung password??
AIRISXARVIN.
Airis at Arvin nanaman? Ano bang meron kay Airis at Arvin?
Sabi ni Wayne may mababasa at mapapakinggan ako dito.. binukas ko ung inbox…
FR: ACE
Shane… kelan ba kayo magbebreak ni Freed? Gahd! Nahuhulog na sakin si Trinity at Airis at nagagalit si Arvin sakin!! Shane naman! Baka bugbugin ako ng boys nito!
Yan lang ang laman ng inbox… August 4 ---- three years ago pa..
Binukas ko ung sent items wala… ung save msgs O________O tig-iisang text ni Airis, Trinity, Freed, Arvin at Ace
FR: GF AIRIS
Bakit ka ba ganyan shane?! Ang sama mo! Sino ka ba sa tingin mo? Wag mong saktan si Freed! Ano ba kasi Shane! Ang bait ni Freed! Mahal na mahal ka niya Shane!!! -.- pati kami ni Trin nahihirapan sa mga pinaggagagawa mo!
FR: GF TRINITY
Alam mo shane gusto na kitang patulan! Pero pinipigilan lang ako ni Ace! Shane naman! Kung hindi mo mahal si ace wag mo siyang paglaruan! Nakakairita ka! SHANE ERIN! HINDI KAMI LARUAN MO! Shane naman! Nahihirapan kami ni Airis eh.. pareho kaming NAGTITIIS SAYO!
FR: ARVIN
Shane please naman oh… wag mo isali si Airis sa laro mo! Nasasaktan ako kada nakikita ko siyang nahihirapan! Shane alam kong alam mo na mahal na mahal ko si Airis matagal na pero hindi ko inaamin ng dahil kay Ace! Bañez naman! Maawa ka! Pati si freed nasasaktan sa ginagawa mo!!
FR: FREED
Shane mahal kita kahit ang sakit sakit na. boyfriend mo ko pero may nangyari na sainyo ni Ace.. Shane bestfriend mo si Trinity at Airis, at ung isa tuluyan ng nahulog kay Ace, sa tingin mo ano mararamdaman nung dalawang un pag nalaman nilang may nangyari na sainyo ni Ace?
FR: ACE
I love you Shane.
Wala ka bang reply Shane?? Kailangan ko ng sagot. Drafts.. DRAFTS!! Kaso wala. Shane wala ka bang paki sa kanila??
File manager.. binukas ko lahat pero walang laman… ung recorded sinubukan kong tignan..
Listen if you please…
Ano to? Kinabitan ko ng earphone tapos pinlay ko
“……… hi” tumayo balahibo ko sa Narinig ko “to the one who’s listening to this…. I’ll tell you our secrets… but, isang clue lang ang ibibigay ko….” huminga siya ng malalim “nasa old locker ko un… may secret compartment akong ginawa dun… pictures ang nakalagay pero may Kwintas dun, dalawang pendant…. Gamit un ng killer… at alam kong mahilig ka maglaro ng who’s the killer… hilig rin namin yan… pero tandaan mo to…. Wag ka magpapahuli sa kanila dahil papatayin ka nila…. Kung itatanong mo kung bakit alam ko to? Kasi nararamdaman ko ngayon pa lang tototohanin nila ang laro namin…. hhmmm hmmm” humuhuni siya… ung huning yun… malapit sa huni nung killer
*dumdum dumdum
Bumibilis ang tibok ng puso ko… kinakabahan ako….
Pinasok ko ung memory card ni Ace.
Ung recorded binukas ko.. isang file.. ‘killer’
Pinlay ko rin..
“you… I know you want to know the killers…. I’ll tell you who they are… they're five”
O__________O alam niya? pero patay na siya.. alam niya na papatay ung limang un bago pa siya mamatay…
“I’ll give you five clues…. First, nasa board ng Class F… nandun ang damit niya… second… ceiling.. may tinago akong box dun… third… nasa Garden… merong secret vault dun, just follow the wind at 4 pm…. Fourth… it’s with my body… they will kill me so I’ll need to bring this with me…. Fifth… classroom… find the key to my locker… this is the farthest I can go… be careful… I know these five can be very tricky… and note, never… if I say never… never… never trust anyone except yourself”
Sinulat ko ulit…
First – Blackboard, Damit
Second – Kisame, Box
Third – Garden, Secret Vault
Fourth – Grave of Ace
Fifth – Classroom, Key
*dumdum dumdum
Hindi bumabagal ang tibok ng puso ko… sobra akong kinakabahan…
Huli na to… kay heicel….
“hey” ang lambing ng boses niya “I’m Heicel… I record this for the killers… I know someone will try to investigate and something, but I need to warn you before you continue to listen… Them… they're Five…. Those killers…. They are not who they are… they are clever…. So please…. watch your back…”
Yun na un? Watch my back? Sinulat ko pa rin…
Sapat na tong mga clues para malaman ko kung sino sila… tinago ko ung cellphone pero ung notebook binabasa ko ulit…
Sino ba talaga kayo??