Ch36... School of the dead

1.3K 31 18
                                    

Chapter thirty-six... School of the dead

Shane POV

“kinikilabutan ako sa school natin”

“parang ang daming nagpaparamdam -____-“

“m-may namatay na kaya dito??”

“wala naman Siguro noh!”

“pero may nakitang kamay ung mga tiga Class B kahapon”

“w-wag ka nga manakot”

Bulungan ng ibang Seniors at Juniors na nakapalaibot sa table nang mga class F. Nagsama sama kami ngayong Lunch dahil si Wesley biglang hinimatay kanina tapos si Airis at Trinity nagsasabunutan kapag hindi napigilan.

Anong gagawin namin ngayon? Nauubos kami. Unti unti.. ang lalakas nila…

“haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyy… ang boring!” Reita

“tsss. laro tayo gusto niyo?” Lady lee na nagsulat pa sa papel

“ehh?? Ayus ka lang” Kriztel

“tara laro tayo! Walang KJ ha! Airis, Freed, Arvin” Wayne

“ayaw” Airis

“ikaw babae ka! Napaka--- mm mm m m m m mm” tinakpan ni Freed bibig ni Trinity

“di rin ako kasali!” nakangiti niyang sinabi kay Trinity

“ayoko rin” saka umub-ob si Arvin

Maglalaro nanaman kami… eto nanaman…. Mga hindi kami marunong madala… hanggat nag-eenjoy hindi kami titigil…

“kayo na muna. Kailangan kong makikopya ng assignment sa math! Shane! Hoy! Pakopyahin mo ko!” Cheska

“wala akong gawa”

“anong wala!? Inutusan kita kahapon ah!?” hinatak niya ung buhok ko tapos naglakad na kaya habang naglalakd kami nakakaladkad ako at ang buhok ko!

“sorry ah… baka kasi makahalata kaya kailangan brutal…”

“ayos lang”

“tara na. gusto mong akyat tayo ng kisame?” napatingin ako sa kanya

“makakaakyat tayo?”

“oo naman!”

“nakaakyat ka na?”

“duh?? I’m a student of Class F at dun kami dumadaan dati” nakangiti niyang sagot..

Kinuha niya ung talawang table tapos pinagdikit niya tapos kumuha pa siya ng isa pang table saka niya pinatong dun sa dalawang magkadikit.

“ikaw mauna para makaalalay ako dito.” Edi sinunod ko siya. Ako nga ang nauna..

“alam mo ba dito kami nagtatago dati pag tatakutin namin ung mga teacher namin” natatawa niyang kinukuwento un “tapos dito rin namin unang tinago ung bangkay ni Heicel”

*dumdum dumdum

Biglang nanlamig ung kamay ko..

“hindi pa kasi kami marunong maglibing nun eh… kaya nung nagpakamatay siya binuhat namin at dito nilagay” huminga siya ng malalim “ung box ang hahanapin natin dito diba?”

“h-h-hah? o-oo” kinakabahan ako kay Cheska...

Kaya Siguro angkakasundo ang Class F dahil puro Weird? Un ang napapansin ko ngayon.. lahat sila weird… puro may other side na ngayon lang nagsisilabas…

“ah shane. Jan ka sa kaliwa humanap dito ako sa kanan” saka siya gumapang. Gumapang na rin ako… anong box? Nung nandito na ko sa paliko may nakita akong nakaangat na bakal inangat ko pa dahan dahan para hindi marinig ni Cheska… pinasok ko ung kamay ko at may nakapa akong parang kahoy

“maalikabok. May nahanap ka na?”

“wala pa”

“sige liliko ako dito baka nandito un”

“sige ako rin”

Inangat ko ung kahoy… box siya pero pa curve ung taas… walang lock kaya binukas ko… puro alikabok ung laman pero hinipan ko kaya muntik an ko bumahing.. kinuha ko ung laman tapos binalot ko sa panyo ko saka ko binulsa

“Cheska may kahon!”

“talaga? Ouch. Tara na”

Bumaba kami wala pa sila.

“tara buksan na natin” pagmamadali niya sakin

“i-ikaw na baka kung ano laman niyan” binaba ko sa table ung box tapos binukas niya

“s-shane… m-may papel” eh?? Nakuha ko na ung laman kanina diba??

Itinaas niya ung papel… litrato pala

“sino to?” tanong niya

“patingin nga” tinignan ko tapos.. “class F yan diba?” tinanong ko sakanya

“bakit wala ako??”

“baka yan ung bata pa sila?”

“talaga? Picturan ko lang ah. Ikaw mag-uwi nito baka may sumpa eh” napatingin naman ako sakanya tapos bigla akong natawa. “nahawa ka na rin pala ng kaunti sa ugali ng Class F” sabi niya “tinatawanan mo na rin ung mga hindi dapat tawanan” seryoso siya..

Inipit ko un sa notebook ko tapos nilagay sa bag saka kami lumabas..

“ano ginagawa nila?” tanong ko kay Gwen.. nandito na pala kami sa Garden

“yan? nagbubungkal ng lupa” ngumiti siya “titignan lang namin kung ano na itsura nina Grace, Pristina at Andrei”

Kinilabutan ako bigla… bakit pa nila titignan?

“oy! Ung katawan ni Grace mejo buo pa pati ung kay Andrei, at Pristina” Wayne

“eh ung kay CeCe?” Celina na nakapamaywang at nakatungtong dun sa bench

“shet… buto na!” Freed “pero nandito pa rin ung damit niya”

“sa malamang!” binatukan ni Arvin si Freed” alangan namang naghubad pa yan?”

Nagsilapitan kami… etong uniform namin ganun rin ang suot niya… buto na nga… hindi sila natatakot… walang natatakot sa mga natira ngayon…

“isara niyo na nga” Kriztel “patay na nga ginugulo niyo pa”

“tel” bigla namang yumakap si Celina na umiiyak “magbabayad ka Ria”

“sisihan nanaman??” Trinity

“ano pa nga ba?” Airis

“aish…. Baon na ulit natin” Reita

Ang lalim nung hukay nila… sanay na sila.. sanay na sanay…

“creepy” nandidiri ung mukha ni Gwen

“yuck” Cheska “puro lupa na kayong lahat mga kadiri kayo!”

“isa ka pa eh! Gusto mong ilibing ka naming lahat ng buhay dito!?” Celina

“edi pinatay naman kayo nung killer”

“may kapit ka sakanila?” Arvin

“of course! Sobrang lakas!”

“tsssss.” Ria

Dito lang kami… sila naglalaro nanaman ako naghahanap ng clue para dun sa vault…..

Natapos ang araw ng wala akong nakikitang kung ano…

Nung makauwi na ko kinabahan ako bigla… nandito ako sa kwarto pakiramdam ko may nanonood sakin… may nakatingin.. sinara ko ung bintana at siniguradong nakatakip ung kurtina.. kinuha ko ung panyo at binuklat… isa pang box… nung binukas ko ung box… locket… ung picture sa loob hindi ko kilala. Bata siya… at kupas na ung litrato mahirap ng alamin… kinuha ko ung litrato kanina..

Class picture at may tatlong tao na burado ung mukha… sila ba? Sila ba ang killers?

Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon