Ch39... Truth...

1.3K 35 11
                                    

Chapter thirty-nine... Truth...

Shane POV

Nakatayo si Jude sa harap nung teachers table. Tinitignan lahat kaming nandito sa loob. Nakayuko ako.. natatakot ako.. kinakabahan..

“Shane.. Shane Erin Reyes” napatingin ako kay Jude “alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit ka nilipat sa section na to?” seryosong tanong niya sakin

“sponsor ang mga magulang niya” Gwen

“un ang sabi satin ng lahat… na lahat ng estudyante rito sa Class F sponsor ang magulang… oo totoo yon. Pero ung tunay na dahilan kung bakit tayo pinagsama-sama sa section na to, alam ba ninyo?” Jude

“lahat kase ng nilalagay sa Class F tamad mag-aral” Arvin “ang batch lang naten ang may section F sa lahat, satin ring section ang pinaka kaunting estudyante”

“tama” jude “tamad lahat ng nandito, pero Shane ikaw? Ikaw palagi ung may assignments, perfect scores, highest grades, alam mo ba kung bakit ka nila sinama samin?”

“h-hindi.. wala akong alam” yan na lang ang tanging naisagot ko

“palagi ka naman walang alam, ano pa bang bago don?” Airis “matalino ka sa academics pero pagdating samin hindi mo kami makilala… hindi mo nga alam ibig sabihin ng tiwala at kaibigan diba?” nakasandal siya sa upuan niya at nakatingin sa board… ung sinabi niya… may kung ano sa loob ko na parang natusok..

“Shane kaya ka nilagay sa section na to dahil ikaw ang Valedictorian ng year naten. Sa pag-aakala ng principal na magsisiaral kami dahil nandito ka.” Kalmado na silang lahat. wala ng nakayuko. Puro sila nakatingin sa board.

Si Trinity biglang nagsalita

“tahimik naman buhay namin nung wala ka eh. Sa Class F walang nanglalaglag. Alam mo ba Shane nung naging BEST FRIEND mo si Airis kinagulat naming lahat un, to know na Shane rin ang pangalan na pilit niyang kinakalimutan”

“IKAW ANG MAY KASALANAN NITO!” Celina “NANG DAHIL SAYO NAUBOS ANG MGA KAIBIGAN KO! PINATAY SILA! DAHIL SAYO SHANE! YANG LECHENG PANGALAN MO NAGPAPAALALA SAMING LAHAT NG NAKARAAN NA PILIT NAMING KINAKALIMUTAN! AYOS NA NGA KAMI NUNG JUNIORS KAMI, KASO BIGLA KA NAMANG LUMITAW NGAYONG SENIOR!” umiiyak siya habang sinisigaw niya sakin yan.. yang mga masasakit na salita

“iba man ang ugali mo Shane… pero para samin ikaw pa rin ang Shane na nakilala namin nung nakaraan… sa mukha at kilos mo… pananalita mo… kahit magkaiba kayo ng ugali ikaw pa rin siya Shane… ikaw pa rin” Gwen

Anong pinagsasasabi nila? Naguguluhan na ko.. anong ako pa rin?? ako ba ung shane na naging kaklase nila dati? D-diba patay na un??

“Patay na nga si Shane pero ikaw Reyes ang nagpapaalala sa lahat ng mga kamalian na pilit namin tinatama” Wayne

Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon