Chapter thirty-two... First Clue
Shane POV
Hindi ko alam kung ano uunahin ko… kung ung clue na binigay ni Shane o ung kay Ace… pero hindi ko naman alam kung ano locker ni Shane tapos pano ung black board? Ano meron dun?
Aaaaaaaaaaaaaaahhhhh.. nalilito talaga ako!!!
NEVER TRUST ANYONE!
Pero kailangan ko ng kaibigan ngayon!!
Pero hindi! Kaya ko toh! Kaya ko hanapin ung clues at kilalanin ung mga killers! Hahanapin ko sila!
Nandito ako sa tapat ng locker ko… nilalagay ung librong hindi gagamitin tapos kukunin ung gagamitin.. kaso wala na kong kinuha ngayon.. hindi naman kami tinuturuan ng mga teacher eh…
“good morning Shane!” masayang bati sakin ni Wesley
“good morning President!” masyang bati ko rin sakanya.. umupo na ko sa upuan ko.. ang daming gumugulo sa isipan ko! ung mga Clues na un tapos ung riddle ni Heicel tapos ung nakaraan ng mga tao sa room, NAKARAAN NG CLASS F! bakit ba magkakadidkit ung clues? Pati na ang past nila? Pati ung mga patay na alam tong kababuyan na ginagawa nila ngayon..
“watch your back” Narinig ko nanaman ung boses ni Heicel. Watch my back saan? Sa killers? Tsss. anong meron kung watch my back?
Dalawa pa lang pala kami ni Wesley dito sa room. Ang aga pa kaya. 6:15 palang 7:30 pa klase namin..
“shane I-lock mo ung pinto, lalabas ako, baka mapahamak ka eh, ako na lang magbubukas may susi naman ako”
“sige”
Ni lock ko…
First clue… Black board… kinatok ko ung board.. wala naman kakaiba dito eh. Pano nagkaron ng damit dito?? Sumampa ako sa teacher’s desk… tss. Akala ko naman handle -___- puro mga ballpen lang pala… Siguro matagal na tong mga ballpen na to? Puro alikabok na tapos puro walang tinta.. pumunta ako dito sa right side tapos kumatok..
“sino yan?”
O________________________O
Joke lang. imagination ko lang un :)
Lumipat ako sa kabila at kumatok… iba ung tunog.. kaso pano ko to mabubukas? Suntukin ko kaya? Mahina ako sumuntok… may bukasan naman sigura to diba?? Aahh! Baka pa-slide! Ini-slide ko pakaliwa, pakanan, pataas, at baba. Kaso hindi. Nainis ako kaya sinandalan ko kaso parang lumubog kaya nabigla ako ng tayo… bumukas ung.. ung gilid ng board… ang dilim… kinuha ko ung cellphone ko at ginamit na pang-ilaw… m-may damit nga…. Kinuha ko agad tapos hinatak ung gilid ng board. Sumara naman ng maayos… tinago ko ung damit sa bag ko… sa compartment sa ilalim sa loob nito..
“asan nanaman ba si Wesley??” boses ni Ria.. bigla kong nabitawan ung cellphone ko..
“may tao na ata jan! look the lights are on! Saka parang may nahulog!” Trinity “sino nanjan??”
“a-ako”
“shane? Open this door!” Ria
Agad ko naman binukas.
“asan si wesley?” pumasok si Ria
“bilisaaaaaaaan!!!” sigaw ni Trinity
“may pupuntahan daw saglit”
“oh. Okay” saka siya umupo.
“ang kupad mo talaga Lady kahit kalian!” Trinity. Si Lady naman pumasok na lng rin sa room kasunod ni Trinity..
Bumalik ako sa upuan ko… kaming apat na babae nandito.. Siguro isa sa kanilang tatlo ang killer?pero hindi ako sigurado…
Cheska POV
“Saan ba tayo pupunta??” tanong ko kay ace.. kanina pa niya ko kinakaladkad! Bigla siyang huminto sa locker room.. “maliligo ka nanaman? Mabango ka pa sis wag ka mag-alala”
“tara” hinila niya ko papasok O_____________O kumpleto sila. Late kami “lock mo Fren” nilock ko ung pinto saka umupo sa tabi ni CeCe na kumakain ng chocolates.
“nanjan na ba si Shane?” Green
“yeah” Rann
“ang aga naman” CL
“lagi namang maaga un, minsan lang kung ma-late” CeCe
“sabagay….” Green
“kailangan nating hanapin ang bangkay ni Ace at Shane” nagulat kaming lima sa sinaba ni sis.. seryoso ba siya??
“t-teka. S-seryoso ka ba??” Green.
“may lagnat ka ba? Wala nga tayo nung ginawa nila un tapos gusto mong hanapin naten?” CL
“tsk. Mag-aala Dora tayo ace?? Kailangan ng nagsasalitang mapa para dun ilagay ung kung anong meron sa bangkay nila??” Rann
“nabasa ni CeCe ung mga clues, pag nahanap niya ung mga clue na yon, buking na tayo!” ace
“ssshhh. Wag ka nga sumigaw” tinakpan ni CL ung bibig niya “ano-ano ba ung mga clues?” kalmadong tanong ni CL saka niya inalis kamay niya
“amoy sigarilyo” nag-smirk si Ace “CeCe ung libro mo?”
Nilabas naman ni CeCe ung libro tapos iniabot kay Ace.. ung math book namin.
“Cheska, pumasok ka na sa room. I lock mo ung dadaanan mo.” Green
“ayos ka lang? pano kayo lalabas?” sagot ko
“kapatid mo ba talaga to Ace??” tanong ulit ni green
“gawin mo na lng Fren” ace
“yeah sure”
Lumabas na ko. tatlong pinto dadaanan ko. una kong nilock tong nilabasan ko, tapos ni lock ko ung pinto ng entrance ng buong locker rooms… tapos ung pinto na dadaanan sa entrance nitong building..
*gggggggssssssssssshhh
Ano un? parang may umuurong na lamesang Mabigat sa room? Pinakinggan ko muna ung
*gggggggssssssssssshhh
Dalawang beses? Nag-aayos ba sa room? Saka wala dito si Wesley ah panong naka pasok ung nasa loob?
“antok pa ko” napatingin ako bigla sa may hagdanan… paakyat na sila Ria.. nagtago ako dito sa may gilid ng basurahan… YUCK. Nagsalpak muna ako ng earphones at nagpatugtog ng malakas…
Naghintay ako ng mga five minutes bago ako tumayo… nung natapos na ung five minutes pumasok na ko sa room.
“sino kaya ung nandito kanina?” bulong ko sa sarili ko saka naupo.. si Reita, Wayne, Shane, Ria at ung dalawang demonyita lang nandito ngayon… sino kina Wayne, Reita at Shane ang nandito??
Saka… ano na kayang nangyari kina kambal?
=========
ba't ang lapit ng hula niyo? XD hahaha.
sino kambal ni Cheska?