Chapter tweny-three... mga taong hindi marunong madala
Shane POV
Four days matapos ung pagpatay kay Edison. Friday ngayon. Buong week walang pumasok na teacher samin pati sa ibang seniors. Yung mga killers hindi na rin nagpaparamdam after sa pagpatay kay Edison.
Ngayon sa room. Tahimik. Walang naglalakas loob na magsalita. Walang naglalaro ng who’s the killer. Mula nung nagsimula tong patayan sa room, marami ng namatay at marami ring nawawala.
“ang boring” Arvin “wala bang teacher talaga? Nababagot ako”
“ayayaish! Ano bang pwede gawin??” Wayne
“hilaw! Dito ka nga!” Arvin
“huy pahinging Piatos! Damot mo” Gwen
“hoy ulap ka!! Ibaba mo nga ako!!” Airis
“AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII” mga kaklase ko.
Nag-ingay nanaman sila.
“tara laro tayo who’s the killer” napatingin kaming lahat kay Reita.
“tara!” celina
“sige!” Gerry
Naglaro sila. Lima kaming hindi sumali.
Ako, si Cheska, Freed, Arvin at Airis.
Sanay na ko sa tatlong un na hindi makitang naglalaro. Si Cheska, mula nung makabalik siya hindi na siya sumali sa laro.
Habang nandun sila sa gitna ng klase naglalaro nandito ako sa upuan ko nanonood lang sa kanila at Magbabasa nitong notebook ko.
Si Freed lumipat sa tabi ni Cheska. Si Arvin naman ginugulo si Airis.
Binuklat ko ung notebook ko.
Pinagmasdan ko ung mga clues…. Pati ung mga pangalan ng mga kaklase kong nawala at namatay.
=Jude Enrique. Siya ang pinaka unang naglaho. Hindi namin alam kung patay na siya o buhay pa.
=Frencheska Balmes. Nawala rin siya nung nawala si Jude. Nakabalik naman siya matapos ang ilang araw. Duguan, takot at puro sugat.
=Grace Dela Rosa. Sa Auditorium siya nakitang patay. Hiwalay ang ulo sa katawan. Sa loob ng aquarium. Green ang nakaukit sa katawan niya.
=Pristina Eduvane. Hindi siya pumasok nung umaga. Nung nakita namin siya sa Gymnasium patay na rin siya. Nahiwalay ang mga braso’t hita sa katawan niya. CL, ang pangalan nang pumatay sakanya
=Andrei Escueta. Sa Computer Lab. Sa closet. Malinis ang pagkakapatay sakanya. Buong buo pa siya.
=Karlo Arion, Rogue Balesta & Richard Kingston. Nakita namin sila sa classroom. Walang puso, hiwalay ang katawan, labas ang utak at mga lamang loob, duguan.
=Trinity Dela Vega. Hindi siya pumapasok. Isang lingo na siyang absent. Walang trace kung saan siya napunta.
=Jensen San Andres. Nawawala rin siya tulad ni Trinity. Hindi rin pumapasok.
=Edison Mendoza. Nakitang patay sa CR ng boys. May gilit sa leeg.
->cellphone
Ung cp pa pala. Hindi ko mabukas. Kailangan kasi ng password. Sinubukan ko naman lahat ng pangalan ng mga kaklase ko pero hindi talaga eh. Kulay Dilaw na cellphone. Blackberry pa. ang yaman naman ng may ari nito.