Chapter twenty... no way out
Someone’s POV( CeCe )
Ang aga naming pumasok. Kaming lima. Ang bigat nung tatlong to! Si Cheska pala kasama namin. wala pang tao sa school. Sarado pa ung gate. Madilim pa nga eh. 4:30am pa lang.
“bilisan mo maglakad Ace” CL
“ang arte mo CL ah. Naiirita na ko” Ace. Buhat kasi nila ung bangkay ni Richard. Ung lasog lasog ang napunta sa kanila.
Ang samin ni Cheska ung kay Rogue. Iniyakan pa nga ni Cheska tong si Rogue nung biyernes eh.
“ilabas niyo na” Rann
“Green ikaw magsulat sa bintana” sabi ko kay Green na pinaglalaruan nanaman ung bituka ni Karlo
“aish. Bigyan niyo ko ng kamay” Green
“eto paintbrush oh” hagis ni Cheska ng Paint Brush
“wow, girlscout pala kapatid ni Dart Princess” Green
“Shut up” Ace
Inayos namin ung tatlo. Piniga din namin ung mga dugo sa damit namin. mula ulo hanggang paa may dugo kami dahil tumutulo. Lumabas si CL at Ace para maglinis ng dugo dun sa dinaanan namin.
“tara na maligo na tayo” Green
“tara, teka magyapak kaya tayo nuh?” Rann
“bilisan natin no? 5am na” Cheska
Sa kisame kami dumaan. Walang clues ang naiwan. Nung nakarating na kami sa locker saktong dumating din si CL at Ace.
“sabay sabay tayo?” nakangiting sinabi ni Green
“putulan kita gusto mo?” Ace
“tignan mo to ang sungit nanaman”
Nilagpasan lang siya ni Ace. Naligo kami ng maigi. Sabay kaming apat na babae dahil kailangan makuskos ung dugo sa may likuran namin.
“pano kung itanong na ni Shane sayo kung isa ka sa mga killers?” tanong ni Cheska kay Rann
“edi sasabihin ko ung totoo. Tatakutin ko siya!”
“seryoso?? Ung totoo” tanong ko
“hahahaha. depende. Gusto ko mahirapan siya. Kaya lilituhin ko siya”
“magpalate ka mamaya Rann, sisimulan na natin ang panglilito kay Shane” Ace
Kaya ayun nagpahuli nga si Rann.
Trinity POV
Umiiyak ako. mula nung biyernes hindi pa ko umuuwi. Nakakulong ako dito sa kwartong madilim. Si Jude ang nagbabantay sakin. kada tatanungin ko siya kung bakit kailangan kaming dalhin dito ang lagi niya isasagot dahil nakikipaglaro kami.
Anong laro? Hindi ko pa rin kilala ung mga killers dahil nakamaskara sila pero ang alam ko lima sila.
“hoy Trinity kakain na” Jude. binukas niya ung pinto at nasilaw ako. kailan kaya nila ako papakawalan?
Ayoko pang mamatay! Wala akong kasalanan!
Nakita ko lang.. hindi ako ang pumatay sa adviser namin!! hindi ako… silang tatlo!
Sila ang pumatay! Ang saya pa nila habang pinapatay nila si Ma’am. Tuwang-tuwa pa sila!
Lalaban ako. Lalabanan ko sila! Ayokong mamatay. Hindi ako mamamatay!