Chapter thirty two... nothing is IMPOSSIBLE the word itself
Cheska POV
Mabilis lumipas ung stay namin dito sa resort…. Himala nga hindi kumilos tong mga killer… mga tinatamad raw. Pahinga muna.. pauwi na kami ngayon.. dito sa bus..
“sumasakit na ulo ko sa lullaby na yan” Freed
“masanay ka na freed… dahil malapit ka na rin”
“tigilan mo ko Cheska”
“hahahahaha” natatawa talaga ako sakanya.
Bakit kaya lahat sila kinikilabutan jan? sanay na ko eh. Mula kasi noon hinuhuni na niya sakin yan.. bago sila umalis ni papa yan ung hinehele niya sakin…
“Class F” tawag ni ms. Santos “malapit na tayo sa school”
“yaaaaaaaaaah!!!” nag-iinat na ung iba. Tumingin ako sa likuran si Trinity pala nasa likuran ko
-___-
“tinitingin mo?!”
“wala naman… bumabait ka ata Trinity”
“bait your face. Ibabalik ko ang original na Queen bee”
“tssss.!”
“tayong dalawa un Cheska kaya dapat maging mabait ka rin sakin”
“hindi ko kailangan un”
Nagsagutan lang kami… kailan ba hindi? Ganyan naman kami ng Dela Vega na yan.
Nandito na ulit kami sa room! Pinayagan ako ni Ace maglaro ngayon! Himala nga ulit eh… kasali si Airis, Arvin at Freed…
“dalian mo magsulat Kriztel!!” Celina
“maghintay ka nga Celina!” Kriztel
Ang hirap pa rin paniwalaan… si Freed at Arvin magkasundo at magkaibigan pa rin matapos mamatay ni Ace… si Airis at Trinity hindi ko naman maintindihan ang status… tapos tong si Celina at Kriztel na bestfriend ata ni shane? magkaaway..
Shane POV
Nasa school na kami.. 12pm pa lang kaya hindi pa kami pinauwi.. nasa room kaming lahat. naglalaro ng Who’s the killer. Kasali nga lahat eh. Pati sila Airis kasali.
“I’m Dead” Airis
“I’m Alive” Arvin
“I’m Dead” cheska
“Dead” Trinity
“Deads” Celina
“are you the killer Wayne” tanong ni Wesley
“tsss.”
“WOOOOOOOOOOOOOOOH” nagbatuhan na ng pulbo. Ayus rin tong mga to. Hindi napagod sa biyahe? WOW! Nagtakbuhan kami palabas. Lahat ng Seniors nakatingin samin.. parang wala kaming mga problema…. Parang hindi kami pinagbabantaan…
“ayan nanaman ung lullaby” Wayne
Lahat kami napatigil sa batuhan ng pulbos…
“balik na tayong room” Wesley. Bumalik kami sa room…
“JENSEEEEEN!!!” Trinity. Ung katawan ni Jensen.. walang ulo.. ung laman loob nakakalat..
Ung ibang girls hindi na nila pinapasok dahil baka magsuka nanaman… hindi sila tumigil… Biyernes ngayon… hindi nga sila pumatay sa outing pero may bangkay naman ngayon…
Ang bilis nila… walang may alam kung sino ang naglagay nung bangkay…
Ngayon naniniwala na talaga ako sa sinabi ni Airis na kayang gumawa ng impusible ng mga killers
=======
sino killers? :D