Chapter fourteen... Who to trust?
Shane POV
Ano nanaman ung kaguluhan sa room? Nakasara ung pinto kaya kinatok ko.
“uyy may audience nanaman!” sigaw ni Rogue
Pumasok ako at nakita ko si Freed at Justin nagsusuntukan. Si Celina naman nakangiti sakin.
“Shane… nag-away sila dahil sayo” gwen
“h-ha??”
“ang haba ng buhok mo” bulong niya sakin
Pinigilan ni Arvin si Freed ..
“bitawan mo ko Vin! Papatayin ko na tong Justin Karmel na to!!” nagpupumiglas siya.
Hinawakan ko naman ung braso ni Justin at bigla niya kong niyakap.
“sakin ka lang Shane” bulong ni Justin
“mapapahamak ka ng dahil sakanya Shane! Lumayo ka jan!!” sigaw ni Freed
“ano ibig mong sabihin???” tanong ni Wesley
“siya ang pumatay kay Grace!”
“wag kayo magbintangan! Nagsisimula nanaman kayo!” Kriztel
Tinignan ko si Justin. Hindi naman siya ung tumalon diba?? Imposibleng siya un.
“tumigil na nga kayo. Ang boring niyo panoorin” napatingin kaming lahat kay Airis na nakasandal dun sa likuran ng room. Ang sama ng tingin niya sakin. “puro kayo bintang, bakit di niyo patunayan? Wala kayong katibayan diba? Bakit ayaw niyo maghanap? Puro salita na lang ba kaya niyo?”
“may alam ka ba Airis?” iritang tanong ni Trinity “kilala mo ba ang mga killer?”
“diba si Justin ang nagsabi nung nakaraan na kilala niya kung sino ang killer?” saka siya tumingin kay Justin “sino nga ba JUSTIN?” diniin niya ung pangalan ni justin.. sino ba?? Bakit ayaw magsalita ni Justin??
“sino ba ung killer Justin?” Rogue “kilala mo diba?”
“oo kilala ko. at lahat sila nandito sa loob ng classroom” nagpanic nanaman lahat.
“s-sino?” reita
“bakit di niyo alamin?” paghahamon ni Justin
“pare sabihin mo na! ikaw lang ang makakatulong sating lahat!” Andrei
“magkakaibigan tayo kaya sabihin mo na!” Jensen
“oo nga Karmel, sabihin mo” matigas ng sinabi ni Freed. Gusto pa rin niyang sugurin si Justin.
“ung totoong killer ha, hindi ung bintang lang dahil sa galit mo” kalmadong sinabi ni Kriztel. Lahat kami gustong malaman…
“MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!” si lady lee. “mmm!!!!” may gusto siyang sabihin. Nagialisan lahat sa harapan para makapunta siya sa board. “malinis sila trumabaho kaya hindi natin sila makikilala agad”
“lady, sino ba talaga ang pumutol sa dila mo??” Trinity
“hindi ko rin kilala pero ang lambot ng kamay niya. Malambing ang boses niya” sinulat niya ulit sa board