Chapter 2

71 11 6
                                    

LAKEISHA 'S POINT OF VIEW

Marami nang kamalasan ang nangyari sa akin simula nang makita ko yung lalaking nag drive nang pulang kotse na yun!

Gumuho na ang tahimik na mundo ko nang makilala ko yun.

Sobra sobra na ang mga nang yayari sa akin.

"Besii! Ayus ka lang ba? Yung nangyari sa hagdan kahapon nang recess?" Si Carol.

Naalala ko nanaman ang bali ko sa paa.

"Besi! Parang hindi ko kayang pumasok. Ansakit eh!" Paliwanag ko.

Gaya nang sabi ko hindi ako makakapasok kaya dto muna ako. Gagawa na lamang ako nang excuse letter at ipapa-abot ko nalamang kay Carol para makuho ni prof.

"Gagawa lang ako nang excuse letter mo lakeisha." Si kuya Glenn.

"Ako na, ako ang na tapilok kahapon eh!" Sabi ko.

"Oo nga." Si Carol.

Nag Flashback sa isipan ko ang nangyari kahapon sa hagdan!

[FLASHBACK]

PABABA na kami nang hagdan dahil nga recess na. Kaya naman nag madali kami dahil baka maubusan kami nang puncake. (Mabilis kasi maubus yun)

"Besi bili!" Si Carol habang nanakbo ay nagawa pang mag salita. HAHAHA.

"O sige!" Ako.

"Arayyy" natapilok ako at muntikan nang mahulog sa hagdan buti na lamang at may naka salo sa akin.

Naka pikit ako habang buhat buhat parin nang nakasalo sa akin.

"Miss?" Isang tinig na galing sa lalaking may buhat sa akin. Isang pamilyar na tinig.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang muka nang isang lalaking! Ano! Yung lalaking nag drive nang pulang kotse na yun! Minamalas ka nga namn oh!

Hindi ako maka tayo nang dahil sa pag kabuhat nya. Hindi nya ako nakitang nakatingin sa kanya dahil sa tinitingnan nya ang daanan papunta nang clinic binuhat nya ako!?

Habang nakatitig ako sa muka nya ay para bang huminto ang pag ikot nang mundo huminto ang oras hindi naman yung hinto talaga parang nag slow motion lang talaga habang nakatitig ako. Pero sa kabila non ay nangingibabaw sa akin ang galit at poot ko sa kanya kaya naman pumalag ako.

Dare Feelings Where stories live. Discover now