LAKEISHA 'S POINT OF VIEW
papunta kami sa may isang kubo na kung saan don kukuha nang isang banana boat.
Pinuntahan na namin ang ito at unang sumakay si Drake.
Nanginginig ang aking mga tuhod at inaalalayan ako ni Drake!
"Ay!" Sigaw ko nang madulas ako agad na kinapitan ni Drake ang isa ko pang kamay.
Hindi ko ba alam at nag SLOW MOTION ulit ang mga bagay bagay gaya nalang nang alon at ang pag patak nang tubig sa talsik nang paa ko.
Nasa unahan si Drake at nasa likod nya ako at--
"Kumapit ka nang mabuti!" Si Drake.
Kumapit ako sa kaniya.
"Higpitan mo pa!" Si Drake.
Gaya nang sabi nya hinigpitan ko ang yakap ko dahilan para maramdaman nang aking mga daliri ang kaniyang makinis at matigas na abs.
Nakahit naka life jacket ako ay ramdam ko ito.
"Ayan!" Si Drake.
Nasa likod ko si Matt at nasa likod ni Matt si Carol.
Maya-maya pa ay umandar na ito dahilan para mag sigawan kami. Hindi pa man gaanong nakakalayo ay bigla nalang itinumba ang banana boat! Dahilan para mag sigawan ang lahat.
Ang saya saya nanatiling nakayakap ang aking mga kamay sa kaniyang katawan.
"Mukang napasarap ka ata Lakeisha!" Biro naman nito ni Matt.
Kaya agad kong inalis ang yakap ko. Pumunta na kami sa kwarto at nag palit na kami ni Carol nang damit dahil mag gagabi na dito kami matutulog atsaka pinayagan na ako ni kuya Glenn!
Lumabas na kami ni Carol at nakita namin ang bone fire dalawa lang ang kahoy na uupuan si Matt ay katabi si Carol kaya wala na akong magagawa kung hindi umupo sa tabi ni Drake.
Nag iinom sila ni Matt.
Nag aalala na ako kaya--
"Kailan tayo uuwi?"
Bakit kayo umiinom eh uuwi pa tayo?"
Tanong ko.
"Easy! Bukas tayo uuwi ha!" Si Matt.
Ilang oras pa ang lasingan nila at kwentuhan.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari sa roof top.
Hindi ko alam kung bakit pilit na ibinabalik sa aking isip ang mga oras na iyon.
"Drake! Anong pinag awayan niyo ni Maggie?" Si ako. Tinanong ko sya. Para kahit papaano madagdagan ang mga nalalaman ko.
YOU ARE READING
Dare Feelings
Teen FictionYung love life mo na nag simula sa isang DARE! Mahirap tanggapin pero kakayanin kasi mahal ko din sya. Ipaglalaban ko sya! Abangan nyo sina DRAKE at LAKEISHA!