LAKEISHA 'S POINT OF VIEW
Kasama ko si Matt, Carol at Drake. Papunta na kami nang kotse ihahatid na namin si Drake sa kanila wala syang malay kaya buhat buhat namin sya ni Carol..
Eto kasing si Matt mag dadrive eh!
Nasa likod kami ni Drake at magkatabi kami samantalang si Carol ay katabi naman ni Matt.
Halata sa aming muka ang pagod.
Nag text na ako kay kuya kaya siguro hindi naman na yun mag aalala.
"Matt malayo pa ba?" Tanong ko.
"Ah-eh malayo layo pa eh!" Sagot nya.
Patingin tingin ako sa bintana dahil wala akong tiwala sa lalaking to!
Napatingin nalang ako kay Drake.
Ewan ko ba pero ang gaan gaan nang pakiramdam ko sa kaniya.
Yung nga nabanggit nya kanina!?
Nakakapagtaka!?
Totoo kaya!?
Tinititigan ko ang kaniyang mga mata. Makakpal na kilay at mahabang pilik mata. Mapupulang labi na pagkalambot lambot.
Hindi ko mapag kakaila ang kaniyang kagwapuhan. Oo may itsura sya!
"Lakeisha! Pwede bang palitan mo muna sya nang damit baka kasi mag kasakit sya oh! Eto yung t-shirt nya! Wag ka nang mareklamo!" Utos naman neto ni Matt!
"Sino si Carol!?" Tanong ko.
Tulog na kasi si Carol kaya kami nalang ni Matt ang gising wala kasi akong tiwala sa kaniya.
"Tanga hindi si Drake! Wg ka nang mareklamo aba!" Si Matt.
Bakit kasi papalitan pa!?
Hay!?
Ano ba naman yan!?
Kinuha ko ang t-shirt nya na ibinigay sa akin ni Matt.
Dahan-dahan akong pumikit at hinubad ang damit ni Drake, naka long sleeve kasi sya natanggal na nya yung suit nya kanina kaya naka long sleve nalang sya.
Nakapikit parin ako habang inaalis ang mga botones nang kanyang long sleve!
Maya maya pa ay natanggal ko na ang long sleve nya! Partida naka pikit parin ako!
YOU ARE READING
Dare Feelings
Teen FictionYung love life mo na nag simula sa isang DARE! Mahirap tanggapin pero kakayanin kasi mahal ko din sya. Ipaglalaban ko sya! Abangan nyo sina DRAKE at LAKEISHA!