may i kiss you?

5.9K 99 0
                                    

samantalang si aly, napaupo na lang. parang nawalan ng lakas. walang tigil ang luha sa pagdaloy. sumabog ang naipong galit.

aly: (sa sarili nya) after all this time, ikaw pa rin pala. den, ikaw pa rin pala ang sinisigaw ng letcheng puso ko na to. ano bang meron ka? bakit kahit gaano mo ko nasaktan, at kahit gaano ako kamahal ni jovee, kababalik mo palang, nayanig na naman ang mundo ko. bakit den? bakit ikaw pa rin ang mahal ko?

unti-unti na namang bumalik ang nakaraan

----flashback----

aly's POV

nasa kwarto lang ako ng bahay ko. oo, ng bahay ko. matagal ko na itong ipagawa noong nandito pa si denden. ang reason na tinanong ko sya kung anong design sa bahay ang gusto nya ay para dito. pero wala na. wala na sya. wala na ang lahat.

jovee: umiiyak ka na naman ly, ano ba? papatayin mo ba ang sarili mo?

aly: jov, please. ayoko muna makipag-usap.

jovee: mas makakagaan ng pakiramdam kung mailalabas mo yang sama ng loob mo. you can tell me about it ly.

aly: jov i dont know what to start..

jovee: start from the beginning.

aly: jov, im in a relationship. (basag na boses)

jovee: (napalunok) in a relationship?

aly: i mean i was in a relationship.

jovee: oh i see. wanna tell me about it?

aly: iniwan nya ko ng walang paalam. umalis siya at nagpunta ng america. nagpakasal sya sa iba (dun na nagbreak down si aly, umiyak na sya)

jovee: (niyakap si aly) sige lang ly, i-iyak mo yan. (habang hinahagod ng kamay nya ang likod ni aly) makakatulong yan.

aly: mahal ko sya jov. mahal na mahal ko sya. (sinusuntok nya ang dibdib ni jovee)

jovee: hindi mo sya deserve. kung mahal ka nya hindi ka nya iiwan.

aly: yun nga ang masakit, umalis sya ng walang paalam. hindi ko alam kung ano ang mali, kung may nagawa ba akong hindi tama.

jovee: sige lang ly, kaya mo yan. lakasan mo ang loob mo. marami pang iba dyan na mas deserving sa pagmamahal mo.

aly: pero sya ang mahal ko. (tumingin kay jovee, na parang nagmamakaawa) naiintindihan mo ba ko jovee? sya ang mahal ko.

jovee: makakalimutan mo rin sya, kailangan mo lang tatagan ang loob mo.

aly: please stay with me. wag mo ko iwan.. dito ka lang jov.. (umiiyak pa rin)

jovee: ill never leave you.. dito lang ako.. hindi kita iiwan (at lalo pang hinigpitan ang yakap kay aly)

lumipas ang mga araw, linggo, mga buwan. hindi ako iniwan ni jovee. unti-unti natutunan kong ngumiti. bumalik na ko sa trabaho ko. namiss ko ang pagtratrabaho. araw-araw akong hatid-sundo ni jovee. at hindi pwedeng hindi ako ngingiti sa bawat biro nya. nakakatawa nga kasi tinutulungan nya ko na makalimutan si denden.

down on bended knees (AlyDen ft. LADen and JoveeLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon