take you back

6K 118 26
                                    

denden's POV

nilapitan ko si aly. ang mga mata nyang nakangiti pa rin, naiinlove ako sa kanya ng paulit ulit. nilapitan ko sya, hinawakan ang siko nya..

den: tara, papakainin kita..

aly: hindi na ko baby noh?

den: hindi nga. pero tingnan mo nga sarili mo oh. namamayat ka na. matutusok na ko ng buto mo. (tumawa)

aly: ang yabang mo ah (hinampas ng marahan si denden) sino mas payat sating dalawa?

den: (habang inaalalayang umupo si aly sa may dining table) ikaw. ahahaha :D slim ako eh.

aly: oo nalang. 

den: wait, dyan ka lang. 

at pumunta na ko sa kusina nya. pinagmasdan ko ang pagkakaayos ng mga plato, kutsara, mga gamit sa pagluluto.

den: maswerte talaga mapapangasawa mo aly, napakswerte ni jovee sayo. 

agad kong pinunasan ang isang luha na nakatakas sa mata ko.

den: makikialam na ko sa kusina mo ah? (sigaw kong paalam sa kanya)

aly: sige lang. feel at home.

pagkainit ko ng sabaw, tiningnan ko kung may kanin sa rice cooker at swerteng meron namang konti.

lumabas na ko ng dining room, at inihain ko sa mesa ang sinigang, nilagyan ko ng plato sa harap nya at naglagay ako ng kanin sa plato nya.

aly: tama na yan. konti lang. wala din akong gana eh.

den: oh sige, kain ka na kahit konti para makainom ka ng gamot. 

ngumiti ako sa kanya ng napakatamis

aly: ahahaha :) wag mo kong daanin sa mga ngiti mong yan. hindi mo ko madadala sa ganyan. isang buwan na lang ikakasal na ko at ikaw ang maid of honor ko ah.

den: nanadya ka ata eh. ako pa ginawa mong maid of honor. pupunta na lang ako, ayoko ng umabay.

aly: hoy! masamang tanggihan ang ganyan noh. sige ka. hindi ka makakapag-asawa.

napaubo na lang ako sa sinabi nya.

aly: ay sorry.. oo nga pala. kasal ka na ahahaha (tumawa ng medyo malakas)

den: i missed that.

aly: alin?

den: yang pagtawa mo.

aly: bakit? ahahaha :) try mo bumisita sa mental, maraming ganito tumawa don. ahahaha :D

den: puro ka naman kalokohan eh. uminom ka na nga lang ng gamot (inabot ang gamot at isang basong tubig)

aly: (matapos inumin ang gamot, ngumanga at inilabas ang dila) oh ayan ah, malinis. ininom ko talaga.

den: adik ka talaga kahit kelan. (nililigpit ang kinainan ni aly)

aly: kaya nga nainlove ka saken dahil sa kaadikan kong taglay eh (tumatawa pa rin)

down on bended knees (AlyDen ft. LADen and JoveeLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon