realization of forever

5.4K 105 6
                                    

ella's POV 

kadadating lang namin ngayon sa ospital. tumawag si aly na isinugod nya dito si denden dahil inatake ng sakit nya kaya nman agad kaming nagpunta dito ni mae.

ella: ano nga bang room yung sinabi ni aly hon? (tanong kay mae habang naglalakad sila. kapapasok palang nila sa entrance ng ospital)

mae: 213 hon.

ella: ah sandali.. (tumitingin sa bawat pinto) eto na hon. (hinawakan na ang door knob)

mae: hoy kumatok ka muna.

ella: wag na. surprise nga eh (at tuluyan ng binuksan ang pinto ng kwarto)

naabutan namin si aly na kinakausap ang natutulog na si denden.

aly: nakakainis ka naman eh, wag kang madaya. 

hindi ako bibitaw. 

mahal na mahal kita beb.

wag kang bibitaw. please..

ng biglang..

*toooooooot*

biglang tumunog ang makinang nakakabit sa katawan ni denden.

hindi gumagalaw si aly. nakatingin lang sya kay denden. tuloy pa rin ang tunog ng makina. 

ella: hon, tawagin mo yung doktor.

agad namang lumabas ng kwarto si mae. nilingon ko si aly pero hindi pa rin sya tumitinag sa kinatatayuan nya. nakatitig lang sya kay denden. hindi gumagalaw.

dumating na si mae kasama ang doktor at dalawang nurses. agad inasikaso si denden. si aly nakatayo pa rin. tulala. 

nurse: (kausap si aly) maam kami na po bahala sa pasyente

ngunit hindi gumagalaw si aly, kaya pinuntahan ko na lang sya. hinawakan sa braso at hinila palabas. pagdating namin sa labas ng kwarto..

ella: ano ba nangyayari sayo aly?! (nasigawan ko na si aly)

hindi pa rin sya gumagalaw. tulala at nakatitig lang kay denden habang kitang-kita namin ang bawat pag-angat ng katawan ni denden sa tuwing ididikit ng doktor ang dalawang wari'y bakal na iyon pagkatapos sabihin ang salitang "clear"

ella: aly! aly! (niyuyugyog ko na ang katawan nya sa pamamagitan ng paghila sa braso nya)

hindi na ko nakatiis pa

PAK!

sinampal ko si aly

mae: hon, tama na! (pinigil si ella)

aly"s POV

para ba akong natauhan sa sampal na yon ni ella. tiningnan ko si denden sa loob ng kwarto, kita ko kung paanong ginagawa ng doktor at dalawang nurses ang lahat ng makakaya nila upang maisalba ang buhay ng aking mahal. sabay sa unti-unting pagsara ng pinto ng kwartong iyon, unti-unting tumulo ang luha sa aking mga pisngi. nag-uunahan na para bang pinaparamdam kung gaano kasakit ang nakikita kong eksena.

down on bended knees (AlyDen ft. LADen and JoveeLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon