is this the happy ending?

5.2K 102 0
                                    

imagine niyo ganito yung nilalakaran nina aly at denden ah??

                                  /    /\   \

                              /    /        \   \

                           /    /               \   \

inverted V yung path ng wedding march nila ah? tapos nasa gitna yung mga bisita nila.. thanks..

guys bago to.. :) sa play niyo na agad yung media :) para feel na feel :D hehehe

denden's POV

naglalakad kami ng marahan ngayon. ako, si mommy at si daddy. nasa magkabilang tabi ko sila. lumingon ako sa kabilang side, nakita ko si aly na naglalakad din kasama ang mga magulang nya. nagkatinginan kami at nginitian nya ko. sinuklian ko rin sya ng ngiti. kahit medyo malayo sya samin, kitang kita ang kagandahan nya sa suot nyang light blue wedding dress. samantalang ako ay naka cream na wedding dress. hindi kami nakaveil. wala rin kaming hawak na bulaklak sa aming mga kamay. tumingin ako sa lalakeng nakatayo sa dulo ng daang aming nilalakaran. isang pastor ang magbibigay ng basbas sa aming pagsasama. naluluha na ko. pero bakit ganon? parang slow motion lahat. tagos sa puso ang musikang pumapailanlang sa paligid.

aly's POV

kasama ko ang mga magulang ko sa paglalakad. hindi ko alam pero parang nangangatog ang tuhod ko. hindi dahil sa natatakot ako pero dahil sa excitement. pero imbes na magmadali, parang lalong bumagal ang paligid. ang sarap sa pakiramdam na kasabay ng paglalakad namin ay sinaliwan ito ng itinuturing kong kanta namin ni den. finally, matutupad na ang forever na pangarap namin ni denden. nilingon ko ang aking minamahal sa kabilang side ng mala langit na lugar na iyon. nginitian ko sya at gumanti sya ng isang napakatamis na ngiti. kita ko ang ngiti sa kanyang mga mata. parang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin sya sa sobrang saya.

denden's POV

malapit na kami sa unahan. naiiyak na agad ako pero pinigilan ko. lumapit si aly at mga mgaulang nya sa amin. nagmano ako sa mga magulang nya at sya ay ganun rin sa mga magulang ko. tinitigan nya ko, nakikita ko ang namumuong luha sa mga mata nya na tulad ko ay pinipigilan nya. hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa dalawang upuan inilaan para sa aming pag-iisang dibdib. 

humarap kami sa pastor at nginitian nya kami.

sinimulan ang seremonya at dumating na sa parte ng pagsusuot ng singsing,hinawakan ko ng dalwang kamay ko ang dalawang kamay nya.

den: hindi ko alam kung panong nangyari, hindi ko alam kung kelan nagsimula pero dumating sa point na naramdaman ko ng mahal na pala kita. sa pagdaan ng panahon, lalong lumalim ang pagmamahal ko sayo. pinilit kong itago, lalo't alam ko na sa mata ng nakakarami, mali. pero hindi ko napigilan ang lalong mahulog sayo. nakakahiyang aminin pero sa buong buhay ko, sayo alng ako nakaranas na manligaw. (napatawa ng bahagya) pero hindi ako nagsisisi dahil lahat, worth it. thank you sa lahat ng smiles na nilagay mo sa mukha ko. sa lahat ng tawa at halakhak sa tuwing magkasama tayo. thank you sa lahat ng mga ginawa mo for me, mula sa expert na pagluluto, hanggang sa pagparamdam saken na ako ang pinakamahalagang bahagi ng buhay mo.

nagsimula ng maluha si aly, samantalang ako ay kanina pa naiyak. pinupunasan ni aly ng tissue ang luha na napatak sa pisngi ko.

den: yes, there were ups and downs, lahat naman ng relasyon may ganun eh. pero hindi ko pinagsisisihan ang lahat, dahil lahat kaya kong tanggapin, kaya kong harapin basta kasama ka. basta andyan ka sa tabi ko. andyan ka para alalayan ako sa twing napapagod na ko. itatayo mo ako pag nadadapa ako. wala na kong hihilingin pa sa lahat ng mga ginawa mo, ginagawa mo at gagawin mo pa for me. youre a blessing to me. at pangako ko sayo na habang buhay, kahit sa kabilang buhay, ikaw lang ang mamahalin ko. thank you sa pagtanggap kahit alam mong anytime, pwede na kong kunin ni Lord. ikaw ang lakas ko. ikaw ang pinakamamahal ko alyssa valdez. mahal na mahal na mahal kita. 

down on bended knees (AlyDen ft. LADen and JoveeLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon