Chapter 2

3.7K 109 40
                                    

Sumakay na ako sa kotse ni Sir Riley dahil papunta na kami doon sa hotel na pagmi-meetingan daw namin. Sa may Roxas Blvd yung hotel at malapit ito sa tabing dagat which is Manila Bay, medyo excited ako kasi matagal-tagal na akong di nakakakita ng dagat or mga bangka. Pero stressed ako, kasi ang tahimik dito sa loob ng kotse ni sir. Nahihiya ako magsalita, lalo na inaasar na ako nila Natalie dito kay sir.

Naalala ko tuloy yung usapan namin kanina bago ako lumabas ng office.

"Lauren, mamaya kayong dalawa lang ni sir sa kotse, ayiie, getting to know each other na sila. Ayos yan kasi single ka naman diba? Tapos single din si sir, baka kayo magkatuluyan."

Alam ko kahit di nila sinasabi, nag blush ang mukha ko nung sabihin nila yun saakin. Ramdam ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na! Pero hindi ko iniisip na magkakaroon ng something saaming dalawa.

Well ngayong mas magkatabi kami ni sir, di naman talaga sya mukhang matanda kasi siguro matanda lang saakin si sir ng 2 years? Mga ganun, kasi gwapo naman sya. Bagay sa kanya yung salamin nya sa mata na thick yung border, medyo K-POP nga dating nya eh. Tapos yung ilong nya na super pointed at yung makapal nyang kilay. Bakit kaya walang girlfriend to si sir?

"Ms. Garcia, kanina mo pa ako tinititigan, baka naman matunaw na ako nyan." Ay kaloka, tinitigan ko na pala sya. Strike 2 ka na Lauren, magtino ka!

"Hindi sir, kasi tinignan ko lang ung salamin mo, ang astig kasi eh pang bagets!" Sabi ko naman sa kanya palusot lang na tinititigan ko nga sya talaga.

"Ganun ba? Bagets pa naman ako, 29 lang naman ako yun lang medyo lalagpas na ako sa calendar." Paliwanag naman nya saakin. Sabi na e, di naman kami nagkakalayo ng edad ni sir Riley eh.

"Ah! Bata pa naman kayo sir eh, 29 palang naman. Bakit hindi nyo try mag suot ng contact lens sir, kasi ako malabo din mata ko kaso contact lens na ginagamit ko. Pero meron din akong salamin in case na nagmamadali ako."

"Hindi ako marunong gumamit at magsuot nun eh." Sabay tumawa sya ng slight lang. Parang nagiba yung hitsura nya, teka teka! Ano ba tong ginagawa ko sa kanya, para akong manyakis nito eh. Pero, at least di pala sya totoong masungit tulad nung kwento nung secretary nya. Totoo nga yung 1st impression daw sa isang tao ay madalas na mali.

Pero nababagabag pa din ako dun sa nabasa ko kanina, yung puso ko kanina pa iba yung pattern ng beating nya. Di ko alam kung masakit yung tyan ko, o ano ba.

"Malapit na tayo." Sabi ni sir Riley saakin sabay tingin nya sa may dagat. Manila Bay na pala kami, ang pinakamalapit na dagat dito sa Metro Manila. Nakaka-ignorante, ngayon na lang ako ulit makakakita ng dagat.

"Wow, dagat!" Di ko alam nasabi ko pala ito ng malakas kaya biglang nagsalita si Sir.

"Bakit parang gulat ka? Ngayon ka palang ba makakakita ng dagat?"

Hindi ko alam, parang pang-asar yung tanong ni sir pero di ako naasar, siguro dahil sa palaging seryoso yung tono ng boses nya.

"Hindi naman sir, kaso matagal-tagal na akong di nakakakita kasi medyo na busy ang buhay ko nung mga nakaraang taon."

"Ganun ba? O, nandito na tayo."

Ito na, narinig ko na yung nandito na tayo. Nakakakaba kasi, paano kung sya nga yun? Paano ako haharap nito sa mga tao? Madadamay ang trabaho ko nito pagnaka-ganun. No! Hindi pwedeng madamay ang trabaho mo Lauren, be professional.

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon