Chapter 19

2.1K 37 6
                                    

"Bitawan mo ako! Ano ba? Nasasaktan ako!" Patuloy kong pagsigaw sa lalaking nakahawak sa dalawa kong kamay. Hindi ko alam ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Magkahalong takot, lungkot at pagkabalisa ang nararamdaman ko. Balak nga ata akong gahasain nitong lalaking ito. Hinatak nya ang kwelyo ng jacket ko dahilan para mapunit ito. Pilit din nyang binubuksan ang blouse ko kaya nasira at tumalsik ang mga butones nito.

Nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi ko papunta sa tenga at leeg ko. Kinikilabutan ako sa ginagawa nya saakin. Patuloy pa din ako sumisigaw at umiiyak na humihingi ng tulong. Kahit sino, please tulungan ninyo ako. Sa kakapiglas ko sa kanya, nawawalan na ako ng lakas para lumaban pa, hanggang maabot ko ang isang lamp na nasa tabi ng upuan kung saan ako winawalang-hiya nitong taong hindi ko kilala.

Nakuha ko ito at agad kong naipukpok sa ulo nya na dahilan para matigil ang ginagawa nya saakin. Agad-agad akong tumakbo palapit sa pintuan at binuksan ito! Tumakbo ako ng sobrang bilis at hindi ako lumingon kahit isang beses. Hindi ko na lang namalayan nasa labas na pala ako ng hotel.

Naiwanan ko ang mga sandals na suot ko at maging itong jacket na inayos-ayos pa ni Blake kanina ay napunit dahil sa ginawang pang-bababoy saakin nung lalaki.

"Blake... Nasaan ka? Ke-kelangan kita ngayon." Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at patuloy na nag-iiyak. Mabuti na lamang at nasa katawan ko itong purse ko at ang cellphone ko kaya sinubukan kong tawagan si Blake sa cellphone nya.

"Blake, please sagutin mo 'to."

Patuloy na nag-riring yung tawag ko sa kanya at hindi nya agad ito sinagot. Lechugas! Kung kelan naman kailangan ko sya tsaka sya hindi ma-contact! I dropped the call, and I call Riley instead. Tatlong ring lang agad nyang nasagot ang tawag ko sa kanya.

"Hello, Lauren? Where are you?"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil nauuna pa din yung paghikbi at pag-iyak ko. "Riley, please help me..."

"Where are you?!" Narinig kong medyo natataranta na ang boses nya, sinabi ko kung nasaan ako ngayon dahil hindi ko alam kung makakaya kong umuwi mag-isa ng ganito.

Nanatali ako sa isang park kung saan maraming tao ang nag ba-bike. Mas pinili ko nang maghintay sa isang lugar na matao para hindi na maulit muli ang nangyari saakin. Sinong babae ang hindi mato-trauma kung pagbalakan kayo ng masama ng isang lalaking never nyo pa nakita sa buhay nyo. Si Blake lang ang hinayaan kong kumuha nung kinaingat-ingatan ko, tapos aun pala nasayang din.

Ilang sandali pa dumating na si Riley, pero hindi sya nag-iisa dahil meron syang kasama.

"Riley?"

Agad akong tumakbo ng makita ko si Riley at yumakap sa kanya ng mahigpit. Dito na mas lalong lumabas yung sakit at takot na nararamdaman ko kanina pa.

"What happen Lauren? Why are you crying?" Tanong ni Riley saakin. Pero hindi ako sumagot at patuloy lang na yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Lauren?" Narinig kong tawag ng kasama ni Riley, si Blake pala ito. Magkasama pala sila sa office ng tumawag ako kanina sa kanilang dalawa.

Napalingon ako kay Blake at napatingin sa mga mata nya. Nakita kong medyo gulat ang mga mata nya ng makita ako. Hindi dahil yumakap ako kay Riley, kundi makita nyang sira ang mga butones ng blouse ko at punit din ang jacket ko. Halos nakalabas na ang dibdib kong hindi na nga kalakihan, nae-expose pa.

"Anong nangyari?" Para syang tuod na nakatayo ngayon. Tumingin ako sa kanya, at nagsimula na naman maipon yung luha ko sa mata ko. Lecheng mata 'to! Unli sa luha! Tumayo lang ako sa harap nya, takip-takip ang bibig ko. Laking gulat ko ng hawakan nya ako sa kaliwang balikat at hinatak palapit sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit dahilan para ituloy ko ang pagpatak ng luha ko sa pisngi ko.

"Blake..."

Wala na akong nakikita at ibang naririnig ngayon. Sya lang ang nararamdaman kong nasa tabi ko, kahit alam kong nanjan si Riley. Hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko, ang tunay na nararamdaman ko.

Nang makahinahon na ako, nakatambay kaming tatlo ngayon sa harap ng kotse ni Riley. Nakapagpalit na din ako ng t-shirt na baon ni Blake. Palaging may baon na t-shirt si Blake ever since dahil palagi nyang dahilan na hindi alam kung kelan magkaroon ng emergency. Well, ito ang emergency.

"Lauren, bakit ayaw mong sabihin kung anong nangyari sayo?" Tanong saakin ni Blake na medyo naiinis na.

"Basta." Maikli kong sagot sa kanya. Anong gusto nyang gawin ko? Sabihin ang nangyari sa harap ni Riley na binalak ng ate nya na ipa-rape at ipapatay ako sa isang lalaki para hindi na ako magustuhan at makita pa ulit ng kapatid nya? Ganun ba gusto nya?

"Walang basta-basta!"

Ang kulit din ng bulate nito sa chan eh noh. Hay. Napabuntong hininga na naman ako ulit sa stress.

"Gusto ko nang umuwi." Sabi ko na lang para makalayo na ako sa kanilang dalawa. Napansin ko din na tahimik lang si Riley ngayon sa tabi ko, hindi kaya nagkakaroon na sya ng kutob kung anong meron saamin noon ni Blake?

"Ah Riley, hatid mo na lang ako sa bahay please." Paki-usap ko kay Riley, ngumiti sya saakin pero bakas sa ngiti nya yung pagka-lungkot nya.

"Lauren, ayaw mo ba talagang malaman namin kung anong nangyari sayo? Kasi, nag-aalala talaga ako sayo ngayon." Sabi ni Riley sabay tingin saakin. Tumingin din si Blake saakin at parehas na silang nakatingin saakin ngayon. Ano 'to? Interrogate?

"Mas mabuti na 'tong ganito. Salamat kasi dumating kayo kaagad ngayong kailangan ko ng makakasama. Pagod na din kasi ako, bukas na lang natin ito pag-usapan." Hawak-hawak ko na ang handle ng pintuan ng kotse ni Riley para buksan ito ng hawakan ni Blake ang kamay ko.

"Ako na mag-hahatid sayo."

"Ha? Teka-teka!" Gulat na sabi ko sa kanya.

"Mr. Dee, umuwi at magpahinga ka na, ako nang bahala maghatid kay Lauren sa kanila. Ingat ka na lang."

"Ra-Riley! Sige bukas na lang magkita tayo sa office!" Hindi na ako pumalag pa sa ginagawa ni Blake dahil naisip ko ding mas OK ito ng makausap ko sya ng masinsinan. Kumaway na ako kay Riley at kahit masakit saakin na iwanan syang mag-isa, wala na akong magagawa.

Kita ko sa mata nyang nalulungkot sya kahit ipinapakita nya saaming nakangiti sya. Pag-sakay ko sa kotse ni Blake nakikita ko pa din si Riley sa labas na nakatayo at naghihintay na maka-alis kami. Kumaway sya saamin at agad na pinatakbo ni Blake ang kotse.

"Bakit mo ginawa yun?" Medyo pagalit na tanong ko kay Blake. Nakokonsensya kasi akong iniwan namin sya doon.

"Kelangan kitang makausap."

At inihinto nya ang kotse sa kung saan-saan lang. Napansin ko ding, ibinalik na nya yung Spongebob na stuff toy sa kinalalagyan nito sa kotse nya.

"Anong nangyari sayo?"

Ang babaw talaga ng luha ko. Hindi pa ako nakakapag-salita naipon na agad ang mga ito sa mata ko kaya walang humpay na pumatak na naman ito.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Wag ka nang umiyak, ikwento mo saakin ang nangyari para magawan natin ito ng paraan." Dugtong pa nya. Ang laki na ng pagbabago ni Blake ever since. Noon tuwing umiiyak ako, iniisip nya lang na nag-iinarte ako sa harapan nya. Hindi nya lang alam na merong matinding dahilan ang pagpatak ng luha ko.

"Muntikan na akong ma-rape nung isang lalaking..." Hindi pa tapos ang pagsasalita ko ng biglang suntukin ni Blake yung manibela nya. Nakita ko ding nang-gigigil sya ngayon. Natatakot na akong ituloy ang kwento dahil kung malalaman nyang ate nya ang may gawa hindi ko alam kung anong gagawin nya.

"Gago yun! Naalala mo ba yung mukha nya?"

"Hin-hindi na. Natatakot ako na malaman mo ito dahil ayokong masaktan ka, pero, pero ang may gawa nito ay yung a-" Putol na pagsasalita ko ng may kumatok sa bintana ng kotse nya.

End of Chapter 19

_

AN: Mag-update lang po ako ng 3 chapter ngayong gabi. :D Thank you ulit! Please comment para malaman ko po idea ninyo. <3

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon