Chapter 14

2.1K 57 11
                                    

Ano na namang gusto saakin ng ate ni Blake? Nasampal na nya ako, napahiya at nasaktan na nya ang pagkatao ko. Ano pa ba? Hindi pa ba sapat? Hindi ko naman sila ginugulo, please pabayaan nyo na ako.

"What's the matter?"

Tanong saakin ni Riley, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, dahil kararating lang namin dito. Ayoko naman sirain yung gabi na para saamin.

"Ahhm.. Wala naman. Tara order na daw tayo." Sabi ko sabay ngiti at turo sa waiter na kasalukuyang nasa tabi namin ngayon. Ipinagpatuloy ko ang pag-text sa ate ni Blake ng palihim sa ilalim ng lamesa.

7:30 PM "Saan po tayo magkikita?"

7:33 PM "Nandito ako ngayon sa Gaia Restaurant"

Wait what?! Gaia Restaurant? Ilan ba ang Gaia Restaurant dito sa buong Pilipinas? Isa lang ang pinaka-malapit eh! So it means, nandito din sya? Holy snap! So kung nandito din sya nasaan kaya sya? Nilingon-lingon ko ang paligid pero hindi ko sya makita hanggang dumating na lang yung order namin. Pagkatapos namin makain ang main dish ay dumating na din yung mga dessert na inorder din namin.

"Thank you Riley sa pag-invite saakin sa dinner. Ang bait mo naman saakin." Sabi ko sabay kain nung dessert ko na chocolate mousse, hindi naman masarap eh! Sana pala ice cream or leche plan na lang inorder ko, ignorante talaga ako sa mga ganito.

"Actually, hindi lang dahil sa mom ko kaya kita ininvite."

Nakatingin sya ng derecho sa mga mata ko ngayon. Mas lalo kong natititigan yung magandang mata ni Riley habang suot nya yung glasses nya. Ngumiti sya saakin at bigla nyang hinawakan ang kanang kamay kong kasalukuyang nakapatong sa lamesa.

"Eh? What?"

"I want to know you more Lauren. If you will let me, can I court you?"

What? Manliligaw sya saakin?! Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Riley at alam kong hinugot nya ang lahat ng lakas ng loob nya para masabi lang ang nararamdaman nya para saakin. Matagal-tagal na din ng may huling matinong lalaking nanligaw saakin kaya hindi ko alam kung paano tutugon sa sinabi nya saakin nang marinig ko ang pangalan ko sa kabilang table sa likod ko.

"Poor Lauren, bakit kasi nagparamdam pa din sya? Ang buong akala nya pinagtaksilan sya ni Blake that night because of the pictures I sent her. Hindi nya alam na frame up lang ang lahat, pero hindi ko inaasahan na sya pa ang hihingi ng annulment. Ang kapal ng mukha."

Pamilyar saakin ang boses nung nagsasalita sa likod ko, halos hindi ko na napagtutuunan ng pansin si Riley ngayon sa harapan ko. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa nag-uusap sa likod ko.

"Eh diba, matagal mo nang nirereto si Hana kay Blake kahit alam mong sila pa nung asawa nya?" Tanong nung isang babae.

"Oo, dahil kung tutuusin sya talaga ang gusto ko para kay Blake pero ipinilit nya saakin na pakasalan yung Lauren na yun! Wala namang kwentang babae, panget pa ang family background. Pinapapunta ko din sya dito para komprontahin sya sa harap ni Blake. Buti na lang talaga nag hiwalay na sila, don't worry darating yung kapatid ko dito ngayon at makikita mong lalo syang gumwapo!"

So yun pala ang dahilan ng lahat? Nagalit ako ng sobra-sobra kay Blake nung gabi na yun dahil sa mga nakita kong pictures na sinend ng ate nya sa cellphone ko. Tapos, ang lahat lang pala ng yun ay kagagawan ng isang taong gustong sirain ang pagsasama namin? How can I be this weak? Nagpatalo ako at nag-resulta sa pagkasira ng buhay namin ni Blake bilang mag-asawa!

Nakatitig pa din ako kay Riley at nakikita kong nagtataka sya sa inaasal ko ngayon. Wala akong ibang naririnig sa ngayon. Sarado ang isip ko sa kahit anong bagay. Pakiramdam ko lumulutang ako sa kawalan. Anong nangyayari saakin? Dahan-dahang nag defocus ang mata ko kay Riley at tumingin sa gawing kanan ko nang makita ko ang isang taong dahilan kung bakit hindi ko na kayang ma-control pa ang nararamdaman ko.

"Lauren?" Tawag nya saakin. Nakita kong napatingin sya sa kamay kong kasalukuyang hawak ni Riley kaya agad ko itong inalis. "Mr. Dee?" Dugtong pa nya.

"Mr. Rivera, it's nice to see you here! Meron kang ka-date?" Tanong ni Riley kay Blake sabay tayo nya para kamayan ito.

"Nope, actually i-mimeet ko lang sana yung sister ko." Sagot naman ni Blake habang nakatingin sya saakin. Pagkasabi nya nun, narinig kong binati sya ng ate nya at niyakap pa nga. Nang makita ko ito, dali-dali na akong tumakbo palabas ng restaurant para maka-iwas sa mas malaki pang gulong maaring mangyari kung mag-stay pa ako sa loob.

Tumakbo ako hanggang marating ko ang tabing dagat kung saan amoy malansang isda, dahil hindi naman kalinisan ang Manila Bay eh. Madami na din kasing mga nagkalat na basura sa pampang nito sa ngayon.

"Aaaaaaaaahhhh!" Malakas na sigaw ko dito para mailabas lahat ng nilalaman ng puso ko. Punong-puno na yung puso ko ng masasakit na bagay. Kung hindi ko ito gagawin baka sa mental hospital na ako ipasok sa susunod. Grabe ang revelation na narinig ko ngayong gabi, buong akala ko pinagtaksilan ako ni Blake noon, pero akala ko lang pala talaga.

"Aaaaaaaahhhhhhhhh!!"

Nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko na boses ng isang lalaki. Paglingon ko, bigla nya akong hinawakan sa ulo ko at tumayo sa tabi ko habang nakapamulsa.

"Ang sarap din pala paminsan-minsan sumigaw para mailabas ng puso yung mga bagay na hindi kayang i-express sa salita."

"Sorry Riley, bigla kasing sumama yung pakiramdam ko doon sa loob ng restaurant. Sorry talaga."

"Hindi mo kailangang magpaliwanag, OK lang yun."

Pagkasabi nya nun, isang nakakabinging katahimikan ang pumagitna saaming dalawa. Tanging maririnig lamang ang hampas ng alon sa pampang at ang pagkaluskos ng mga puno dahil sa lakas ng hangin. Bigla kong naalalang umamin sya saakin na gusto nya akong makilala pa ng husto at gusto nya akong ligawan.

"I mean it."

"Hala! Nababasa mo ba nasa isip ko?"

"Nope, I don't. Ano bang nasa isip mo? Well, I mean it and I'm so sure Lauren, I want to know you more. Because, I like you."

Napalingon ako kay Riley na kasalukuyang nakatingin sa dagat habang hinahampas ng malakas na hangin yung buhok at mga damit namin. Kasabay ng tunog ng hampas ng alon, biglang tinanggal ni Riley ang salamin nya at lumingon sya sa saakin.

"I like you Lauren."

End of Chapter 14

_
AN: Please vote and comment! It will mean a lot to me! Sorry sa mga typo. Thank you!

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon