Chapter 21

2.4K 41 4
                                    

Malaki ang galit ko sa ate ni Blake, pero hindi naman enough yun para matuwa ako sa nangyari sa kanya. Alam ko, hindi naging maganda ang pagsasama namin, pero ayokong may mangyaring malala sa kanya dahil alam kong ikalulungkot ito ni Blake.

"Sasama ako!" Pasigaw na sabi ko, sabay kinuha ko yung bag ko. Dumaan muna ako sa office ni Riley para magpa-alam.

"Sir, pupunta muna kaming hospital emergency lang."

"Anong nangyari?" Kabadong tanong ni Riley. "Are you hurt?" Dugtong pa nya.

"Hindi ako, pero kwento ko na lang mamaya."

"Ok, Lauren. Mag-iingat ka."

At pinabayaan na nga ako ni Riley makaalis ng office. Buti na lang talaga mabait na tao si Riley. Bakit ba kasi mas pinili ko ang lalaking nasasaktan ako? Nandito naman ang isang taong willing masaktan para saakin. Ang labo ng puso ko!

"Dito ka na lang, wag ka na sumama." Sabi saakin ni Blake, aba leche tong lalaking to, sasamahan ko na nga sya ee. Tsaka gusto ko din malaman ang kalagayan ng ate nya. Hindi naman ako magpapakita.

"Sasama ako! Wag kang makulit!"

"Aiish!"

Pagdating namin sa ground floor nakita ko si Natalie na natatarantang nagtatanong kung anong nangyayari. Pero hindi sya sinagot ni Blake kaya ako na lang ang nag-abalang sumagot.

"Pupunta kami sa hospital, bahala na muna kayo sa mga applicants ah?" Nag mamadaling sabi ko habang tumatakbo palayo.

Habang palayo kami sa kanila, nakita ko si Natalie na nakangiti saakin at sumenyas ng 'fighting'. Anong nasa isip nung babaeng yun?

Pagdating sa kotse ni Blake, tarantang-taranta sya habang nagmamaneho at traffic pa. Ganito nya talaga kamahal yung ate nya, kung ako kaya ang mahospital ganito din kaya sya saakin? Ay! Ayokong ma hospital ulit, magastos! Dahil sa inis ni Blake dahil sa traffic, hinawakan ko ang kanang kamay nyang kasalukuyang nakahawak sa kambyo ng kotse.

Tinignan nya ako at ngumiti pero halatang natataranta at nag-aalala sya sa ate nya.

Nang makarating kami sa hospital, mabilis na tumakbo si Blake papunta sa kwarto ng ate nya. At nang mabuksan nya ang pintuan, nakita nyang nakaupo ang ate nya sa kama at kumakain ng porridge.

"Ate!" Pasigaw na lumapit si Blake sa ate nya. Tuwang-tuwa naman ang ate nyang makita ang nag-iisang kapatid nyang si Blake. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil, kahit ganoon kahigpit ang ate nya mabait ito sa kanyang kapatid.

"Good morning po, kamusta po ang pakiramdam nyo?"

Bati ko sa Ate nya, akala ko ngayong naaksidente sya gawa ng asawa nya, akala ko magbabago na ang tingin nya saakin at maiintindihan na din nya ako pero nagkamali ako.

"Bakit nandirito yang babaeng yan?" Maangas na tanong nya kay Blake.

"Sumama lang sya para malaman ang kalagayan mo, wag kang mag-isip ng masama." Sagot naman ni Blake. Biglang sumingit yung isang babae sa tabi ng ate ni Blake, isa ito sa mga pinsan nila.

"Oh, Lauren, ikaw na ba yan? Teka, bakit magkasama kayo? Nagkabalikan na ba kayo?"

"Ay hindi po.." Mabilis na sagot ko, napalingon saakin si Blake ng marinig ang sagot ko sa tanong nung pinsan nila. Gusto ko nang lumabas ng kwartong ito.

"Ikaw babae ka, hindi ka pa ba natakot sa pinagawa ko dun sa isang lalaki?"

Nagulat din yung ate ni Blake nang masabi nya ang bagay na iyon, at sa harap pa ng kapatid nya. Nang banggitin nya ito nagpasya na akong magpa-alam dahil ayoko nang marinig pa ang sunod na sasabihin saakin ng ate nya. Pero, lumabas lang ako ng pintuan kung kaya narinig ko pa din ang usapan nila.

"Ha? Anong ginawa mo kay Lauren ate? Wag mong sabihing ikaw yung nagbalak na..." Putol na pagsasalita ni Blake. Nang sumigaw agad yung ate nyang hindi ko malaman kung anong problema.

"Bakit? Nagsumbong ba sya sayo?! Oo! Ako nga ang nagbalak na ipa-rape yang dati mong asawa! Actually, hindi lang rape ang balak ko, kundi ipapatay na sya! At hindi ko balak dahil yun talaga ang intensyon ko, nakatakas lang yan kaya hindi natuloy edi sana-"

"Bakit mo ginawa yun!?!" Napakalakas nung pagkasigaw ni Blake, mas malakas kaysa noong maghihiwalay na kami. Mas ramdam ko yung galit nya ngayon, hindi ko man nakikita ang tunay na reaksyon ng mukha nya, nararamdaman ko yung tindi ng pagkagalit nya sa ate nya.

"Ate, pinabayaan ko na yung mga ibang nagawa mo sa kanya, pero ito! Sukdulan na 'to! Hindi na makatao ang ginagawa mo sa kanya! Paano mong nagawa ito sa kanya? Ha?! Nasira ang buhay mag-asawa namin dahil sa mga kagagawan mo noon! Alam ko, may mga kasalanan ako sa kanya, pero naging mabait at maalahaning asawa saakin si Lauren! Naghiwalay kami dahil sa kababawan at pagiging isip-bata pa namin pero ngayon, ngayong nasa tama at mature na pag-iisip na ako, hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami ulit, anupat mahal na mahal ko pa rin sya!! Lalo na itong ginawa mo ngayon, hindi ko alam kung paano pa kita mapapatawad ate."

At last! After all those years! Nag-stand out din sya para saakin. Masaya ang puso ko ngayong marinig ang tunay na nararamdaman nya, pakiramdam ko isang napakalaking tinik sa lalamunan ang nabunot nang marinig kong lahat ng iyon. Hindi na napigilan ng mga luha ko ang pumatak muli sa aking mga pisngi, dulot man ng sakit ay nangibabaw na ngayon ang kasiyahan.

Pero nalulungkot ako ngayon para sa ate nya. Ano nang mangyayari sa samahan nilang dalawa?

Tumakbo ako palabas ng hospital ng marinig ko ang mga last words na sinabi nya. Ayokong malaman nyang narinig kong lahat ng sinabi nya, dahil ayokong isipin nyang masaya ako ngayon na nagkagulo sila ng ate nya. Kaya naghintay na lang ako sa labas ng kotse nya ng marinig ko ang footsteps nya.

"Lauren... Kanina ka pa dito?" Tanong nya saakin habang dahan-dahang palapit saakin.

"Oo, kanina pa. Ano nang nangyari sa ate mo? Ano bang ginawa sa kanya ng asawa nya?" Tanong ko naman.

"Sabi nung pinsan namin, kasalanan naman ni ate kung bakit sya nasaktan nung asawa nya. Nasikmuraan kasi si ate nung lalaking yun, eh alam mo namang may ulcer si ate diba? Ayun, sinugod sa hospital."

"Ahhh.."

Ahh lang tanging nasabi ko sa kanya, dahil nahihiya din ako sa kanya ngayon. Lalo na narinig ko ang lahat-lahat ng sinabi nya kanina.

"Bakit hindi mo saakin sinabi na si Ate pala ang may gawa nung nangyari sa'yo kagabi?"

Napalunok ako ng laway sa tanong ni Blake saakin. Seryoso syang derechong nakatingin sa mga mata ko, kaya hindi ako maaring magsinungaling sa kanya.

"Kasi, alam ko magagalit ka sa kanya at mauuwi iyon sa away. Alam ko gaano kaimportante para sa iyo ang ate mo eh, kaya ayokong masira ang imahe nya sayo."

Pagkasabi ko nun, bigla nya akong niyakap.

"Pero ikaw naman ang patuloy na nasasaktan. Isa ito sa mga pinag-aawayan natin noon ang madalas na paglilihim mo saakin, alam kong valid naman ang mga reasons mo, pero hindi naman tama kung ikaw ang palaging argabyado, hindi ba?"

"Sorry." Ang tanging nasabi ko. Pero masaya ako, masaya ako ngayon na malaman na mahal parin pala nya ako.

"Wag mo na sanang pagtakpan ang kamalian ng ibang tao lalo na kung ikaw na ang nasasaktan, ayoko kasi na may mangyari pa ulit sa iyong masama."

Ngumiti sya saakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi, at laking gulat ko when he gave me a smack kiss on my lips. Pagkatapos nun ngumiti lang sya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya.

End of Chapter 21

_

AN: Patapos na po! Yes! Salamat sa mga nagbabasa <3

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon