Chapter 18

2.3K 41 3
                                    

"Hindi ka dapat saakin mag-sorry! Kay sir Riley ka mag-sorry noh! Pagkatapos mong higitin ng ganun yung kwelyo nya, tapos sinigawan mo pa. Anak kaya yun ng CEO ng pinagta-trabahuan mo noh!" Sabi ko habang parang china-charade ko pa ang bawat word na sinasabi ko sa kanya.

"Hindi ko lang kasi napigilan yung sarili ko." Sabi nya saakin dahilan para bigla akong mapalingon sa kanya. Anong ibig sabihin nya sa hindi nya mapigilan yung sarili nya? Bakit?

"Hoy! Hoy! Naalala mo pa ba dati ung ginagawa natin sa mga taong nag-uusap pero di natin marinig yung pag-uusap nila?"

Grabe naman makakalabit saakin tong lalaking to, ang bigat-bigat ng kamay. Pero natawa ako, dahil naalala pa nya yung mga ginagawa naming nung mag-kasintahan pa lang kami. Madalas kasi kaming tumatambay sa mall noon at pinagmamasdan lahat ng mga dumadaan na tao.

"Oh, bakit anong meron?" Natatawang tanong ko sa kanya, tumatawa na din kasi sya kahit wala pang kwento. Nauna ang tawa.

"Tignan mo yun."

Itinuro nya yung katrabaho kong bagong kasal lang. Kasalukuyan kasi itong naglalambingan sa mga upuan nila since breaktime pa din naman. Nag-uusap siguro sila ngayon tungkol sa nangyari ng kasal nila nang biglang simulan ni Blake ang pang-aasar. Nagboboses babae at lalaki sya at the same time.

"Baby, after 1 year magiging mataba na siguro ako.... Hindi baby, hindi ko hahayaan tumaba ang pinakamamahal kong babae kahit magunaw ang mundo! Talaga baby? Oo baby, pano ka tataba eeh matagal ka naman ng mataba?"

Bigla kong kinurot sa kamay si Blake na kinagulat nya. Kahit natatawa ako sa ginagawa nya, naiinis din ako at the same time dahil ang lakas nyang manglait.

"Aray! Bakit ka nangungurot?! Diba totoo naman, mataba naman talaga sya eh!"

"Para ka kasing siraulo! Tigilan mo na nga yan!"

At parehas kaming natawa sa mga pinag-gagagawa naming kabaliwan. Para kaming bumalik sa pagiging college student which is ang sarap sa pakiramdam alalahanin yung masasayang nakaraan.

Maya maya biglang nag ring yung cellphone ko at binasa ko ang text message na galing sa isang unknown number pa rin/

12:50 PM "Magkita tayo mamaya sa Lionel Hotel, room 1506 malinaw ba?"

Sa ate ito ni Blake nang-galing. Ayaw pa din ba nya akong tigilan? Wala naman na akong ginagawa na makakagulo sa mga buhay nila ha? Yung Lionel Hotel pala na binanggit nya sa message nya ay pagmamay-ari ng Rivera Family. Isa itong napakataaas na hotel na makikita sa Manila.

Kaya siguro ganyan kataas ang tingin ng ate nya sa sarili nya dahil ako man din mao-overwhelmed sa laki ng pag-mamayari ng pamilya ko. Ang nakakatuwa lang kay Blake, hindi nya piniling magtrabaho doon nung mag-asawa pa kami dahil una sa lahat ang sabi nya saakin, gusto nyang mag-pundar mula sa sarili nyang pawis at pag-hihirap.

"Sinong nag-text sayo?"

"Kelan ka pa naging concern sa mga nagte-text saakin?"

"Wala gusto ko lang malaman, bakit ba?" Medyo pasinghal na sabi nya saakin at tumayo na rin mula sa pagkakaupo nya sa tabi ko. Napabuntong hininga na lang ako nang maka-alis sya, naalala ko din kasi na ipapakilala ako ni Riley sa pamilya nya. Bakit nya ako, gustong makilala ng parents nya? Argghh! Tatapusin ko na nga itong payroll na ito!

Makalipas ang ilang oras sa loob nang trabaho, dadaan muna ako sa office ni Riley bago ako tuluyang umuwi or should I say makipag kita sa Ate ni Blake. Pero bubuksan ko pa lang ang pinto ng biglang lumabas si Blake mula rito.

"Oh? Anong ginawa mo dun?"

Bigla nyang kinapitan yung bag ko at dahan-dahan akong hinatak palayo sa kwarto ni Riley.

"Wala akong tiwala dyan kay Mr. Dee, mag-ingat ka ha?"

Ano daw?!

"Bakit naman? Teka, ang init talaga ng dugo mo kay Riley, ano bang ginawa nya sayo? Meron ba kayong naging alitan noon?"

"Wala, ahhh! Basta, mag-iingat ka."

Napa-kunot noo at salubong kilay naman ako sa biglang pag-wawarning saakin ni Blake kay Riley. Anong problema kay Riley? Mabait naman yung tao, sweet at romantic pa kaysa naman sa kanya na palagi lang ako inaaway.

Aalis na sana sya ng bumalik at magtanong ulit saakin.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo." Sagot ko naman sa kanya. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kwelyo ng jacket ko at ayusin ito.

"Ingat ka pag-uwi. Malamig sa labas eh, gusto man kita ihatid, marami akong gagawin ngayon eh."

Anong nangyayari? Nilalagnat ba 'to si Blake? Bakit biglang bumalik yung pag-aalala na nawala na ilang taon na din ang nakalipas. Hindi ako agad nakapag-salita, pagkatapos nyang ayusin yung jacket ko hinawakan nya ako sa ulo ko at dere-derecho na din syang umalis na may ngiti sa labi nya. Alam kong half-smile lang yun, pero yung ngiting yun ngayon ko na lang ulit nasilayan.

Lumabas na din ako ng building at nakalimutan kong dumaan sa office ni Riley dahil kay Blake. Naiinis man nagpatuloy na akong lumakad at sumakay ng jeep. Ayoko kasing gumastos ng malaki para sa taxi kaya kahit mainit tyaga na lang ako sa jeep tutal malapit lang din naman.

Pagbaba ko ng jeep naglakad pa ako ng mahigit isang kilometro hanggang marating ko ang tapat ng Lionel Hotel. Nakakalula ang taas nito at pag tumitingala ako dito pakiramdam ko nahuhulog ako mula sa mataas na lugar! Nanghihina talaga tuhod ko sa mga matataas na lugar, bakit kasi naimbento pa. Anyway, pumasok na ako sa loob at lumapit sa receptionist.

"Hi, hmm.. Room 1506 please?"

Biglang nawala yung ngiti nung babaeng receptionist nang marinig nyang 1506 ang room na gusto ko. Tumawag sya ng isang lalaki at sinabing ihatid ako sa 1506! Kinakabahan ako! Hindi kaya papatayin na nya ako? Diyos ko, wag po sana sa ganitong paraan nyo bawiin ang buhay ko, parang awa ninyo na!

"Dito na po tayo ma'am."

At huminto na kami sa isang pintuan. Normal na pintuan lang ito at may 1506 na naka-engrave. Lahat ng lakas ng loob inipon ko na dito sa loob ng dibdib ko bago ko binuksan ang pintuan. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinihit yung door knob.

Pero, naka lock pala ito kaya no choice kumatok pa din ako. Hindi ako nakarinig ng kahit na anong boses, pero narinig kong bumukas na yung door knob kaya pumasok na din ako sa loob. At nakita ko ang ate ni Blake na naka-upo sa sofa kasama ang isang lalaking mukhang body guard nya.

"Good evening po." Bati ko naman sa kanya.

"Maupo ka muna." At umupo naman ako sa upuan sa tapat nya. Natatakot ako ngayong ganito ka-formal ang ate nya saakin na usually, nauuna ang masasakit na salita bago nya ako sasaktan.

"Alam mo naman na hindi kita gusto para sa kapatid ko mula noon at hindi nagbabago yun hanggang ngayon. Nung maghiwalay kayo ng gabing yun, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na kayo maaring magkita pa habang nabubuhay ako. Tigilan mo na ang paghabol sa kapatid ko! Tigilan mo na si Blake! Hindi ko alam kung anong pinapakain mo sa kapatid ko pero tingin ko unti-unti na naman syang nahuhulog sa walang kwentang babaeng tulad mo!"

Masakit ang mga naririnig kong salita pero ipinasya kong kumalma pa ng higit pa sa kaya ko. Malabong nahuhulog na ang loob nya saakin dahil obvious naman na si Natalie ang nagugustuhan nya ngayon.

"Wala po kayong dapat ikabahala dahil wala po sa isip ko na ibalik yung relasyon namin noon."

"Kailangang makasigurado ako."

Bigla syang ngumiti at sinenyasan yung lalaking nasa tabi nya ngayon. Lumapit ito saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nagpupumiglas ako sa ginagawa nung lalaki saakin ng mapansin kong tumayo at naglakad na palabas ang ate ni Blake.

"Ikaw nang bahala dyan...Just so you know, ayoko ng bloodstains. Got it?"

End of Chapter 18

_
AN: Matagal po akong mawawala lalo, update lang po magagawa ko. :) Enjoy reading. Matatapos na po talaga siguro 3 chapters to go? lol Enjoy! At maraming salamat!

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon