Riley

2.5K 32 3
                                    

-R I L E Y-

Makalipas ang isang taon, unti-unti na akong nakakabangon mula sa masakit na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko pa din natatanggap, pero pinipilit kong ituloy ang buhay ko. May mga pagkakataon pa din talagang naaalala ko si Blake, at di ko pa din maiwasang umiyak pero pinipilit kong pakatibayan ang loob ko.

Kasalukuyang nandito ako sa bahay namin at nag-aayos ng mga gamit ko ng merong mag doorbell. Agad akong pumunta sa bintana para silipin kung sino pero wala akong nakitang tao kaya nakakapag-taka. Binuksan ko ang pinto ng makita ko ang isang bouquet ng red roses.

"Kanino ito nanggaling?"

"Nagustuhan mo ba?" Nakarinig ako ng boses na di kalayuan. At nakita ko si Riley na may hawak pa syang isa pang red rose. Dahan-dahan syang lumapit saakin.

"Sana kahit sa simpleng bulaklak I can ease the pain you're feeling right now. Hindi ko sinasabing kaya kong pantayan si Blake sa puso mo, pero I'm trying my best to be this Riley that will love you as long as I am breathing."

Matagal na ding nandito si Riley para saakin, mula ng malaman naming kasama si Blake sa mga nasawi sa bumagsak na eroplano. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapasalamat sa kanya. Unti-unti na din akong nakakabangon sa pagkalubog dahil sa tulong nya saakin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko makakayang mabuhay nang ganito.

"Thank you Riley. Hindi ka talaga pumalya kahit isang araw na hindi ako napapangiti."

Ngumiti naman syang marinig iyon galing saakin kaya masaya akong kahit sa ganito nakakabawi ako sa kanya.

"Lauren, pakbet ka ba?"

"Huh? Bakit?" Nagulat naman ako sa biglang pagtatanong saakin ni Blake hindi ko alam kung anong trip nya saakin eh.

"Kasi, pak na pak at bet na bet kita!"

Napahagalpak naman ako ng tawa sa napaka-corny nyang banat saakin! Pero, oo natawa ako kasi parang bading lang kung paano nya dinilever saakin yung banat nya.

"Nakita ko lang to, somewhere in the internet, I'm sorry kung corny."

"No! Don't be! I love it Riley! Alam kong ginagawa mo ito para mapasaya ako, at hindi ka na naman nag-fail. You always made my day with your surprises kaya I think it's time for me para ako naman magpasaya at magpangiti sayo."

I know what I am talking about at alam ko sa tagal ng pagti-tiyaga ni Riley na samahan ako sa lahat ng oras ito na siguro yung tamang time para bigyan ko ng chance ang tungkol saaming dalawa. Since, sinabi ko naman noon sa kanya na unti-unti ko na syang nagugustuhan.

Hinawakan nya ako sa pisngi ko at nakita ko sa mata nyang masaya sya. Totoong saya na matagal kong hindi nakita simula nung masaktan ko sya ng piliin ko si Blake. Hindi ako tuluyang makaka-move on kung hindi sa kanya, at oo gusto ko na din sya.

Inilapit nya saakin ang mukha nya para halikan ako, pero hindi nya ito itinuloy sa labi ko bagkus hinalikan nya ako sa noo ko which is sign ng sincerity.

"I'll take care of you Lauren, promise me you'll do the same."

"I will."

At niyakap namin ang isa't isa. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon muli na maibalik ang saamin ni Blake pero nabigyan naman ng pagkakataon muli ang mga puso namin na mag-mahal muli.

THE END

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon