Chapter 16

2.3K 48 6
                                    

Tumakbo na ako nang makalayo sa kanilang dalawa habang umiiyak ako. Naiinis ako sa sarili ko, bakit kasi hindi ko mapigilan yung sarili kong huwag na ulit mainlove sa kanya eh. Pero mahirap din kasi lalo na alam ko naman talagang sa loob ng dalawang taon hindi ko pa din sya kayang kalimutan.

"Aray!" Pasigaw kong reklamo nang madapa ako dahil sa natipalok na ako sa taas ng heels ko. Ang lakas pa ng loob kong tumakbo kahit naka high heels akong ganito! Lecheng buhay to, kailan ba ako tunay na magiging masaya?

Hindi na ako bumangon sa pagkakaupo ko sa sahig at patuloy akong umiyak dahil kung hindi ko ilalabas itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko, baka magkaroon ako ng heart attack eh! Kiss lang yun! Dapat hindi ako magpa-apekto at ano naman ngayon diba? Wala naman na kami eh, masaktan man ako akin na lang 'to kasi ako na lang naman ang inlove sa kanya at for sure ako ngayon enjoy na enjoy nya ung kiss ni Natalie sa kanya. Yung kiss kaya namin nung nakaraan, ano kaya iyon?

"Lauren?!"

Narinig kong may tumawag saakin at umupo sa harapan ko. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya at mas lalo akong naiyak ngayong alam kong meron na akong karamay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Agad ko syang niyakap at napahagulgol ng iyak, niyakap naman nya ako pabalik kaya naramdaman kong may nag-aalala at nag-aalaga saakin.

"Riley! Ang sakit-sakit!" Ang tangi ko lang nasabi sa kanya habang patuloy na nakakapit sa longsleeve nya.

"Wag ka nang umiyak nandito ako."

Yumakap pa sya saakin lalo ng mahigpit. Nakaka-miss yung pakiramdam na ganito, yung tuwing masasaktan ka merong isang tao na handang ipahiram sayo ang balikat nya para gawin mong sandalan. Pwede ding punasan ng luha or sipon kung medyo walang hiya ka.

"Anong nangyari?" Tanong nya saakin. Hinawakan nya ako sa mukha ko habang patuloy nya akong tinatanong tungkol sa biglaang pag-iyak ko. Kung pwede ko lang sabihin na, yung ex-husband ko nakita kong may kahalikang ibang babae at ang sakit dito sa puso ko na makitang mayroon na syang iba dahil mahal ko pa din sya ehh! Kaso hindi ko masabi! Lechugas!

"Ano nadapa kasi ako, ang sakit ng tuhod ko nabutas 'tong stockings ko kasi may sugat ako eh.." Sabi ko sa kanya sabay turo sa may tuhod kong literal na dumudugo.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakatitig saakin. Seryoso yung mga mata nya kasabay nang pagpahid nya ng luha ko sa pamamagitan ng thumb nya. Ilang sandali pa nya akong tinitigan hanggang magulat na lang akong inilalapit na nya saakin ang mukha nya. Ipinikit nya ang mga mata nya at dahan-dahang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pero ipinikit ko na lang din ang mga mata ko.

Nang biglang...

"Hoy! Anong gingawa mo!?!" Narinig kong sigaw iyon ni Blake kaya mabilis kong idinilat muli ang aking mga mata at nakita ko syang hawak-hawak nya si Riley sa kwelyo nito. Nagulat ako sa nangyayari, bigla din akong hinawakan ni Natalie sa likod ko at tinulungan akong tumayo.

"Anong nangyayari? Bakit sila nag-aaway?" Tanong saakin ni Natalie habang nakakapit sa braso ko.

"Hi-hindi ko alam!! Malay ko, kayo magkasama ni Blake kanina diba?" Pasigaw kong sabi kay Natalie, hindi ako sumisigaw dahil sa ginawa nila kanina dahil kilala ko si Natalie kung alam nya lang kung anong relasyon namin noon ni Blake hindi nya gagawin ito.

"Anong ginagawa mo sabi?! Tinatanong kita!?" Narinig kong pasigaw na tanong ni Blake kay Riley habang hinihigit nito ang kwelyo ni Riley.

"Mr. Rivera, anong nang-ya-yari sayo?" Narinig kong tanong pabalik ni Riley kay Blake. Medyo nahihirapan syang magsalita dahil sa pagkakahatak ni Blake sa damit nya. Ano bang ginagawa nitong lalaking to?

"Sagutin mo muna yung tinatanong ko sayo!"

"Blake! Anong ginagawa mo?! Bitawan mo siya! Sabing bitawan mo sya eh!" Kailangan ko nang umentrada sa gulong to! Pasalamat na lang itong si Blake dahil mabait na tao si Riley at hindi sya pinapatulan. Hinatak ko yung kamay ni Blake palayo sa leeg ni sir Riley.

"Bakit ba!?" Pagalit na singhal nya saakin. Parang siraulo tong lalaking to!

"Anong bakit?! Ikaw itong biglang nanugod diba? Lumayo ka nga saamin!" Nilapitan ko si Riley at inayos yung kwelyo nyang nagkasabog-sabog gawa nung isip batang lalaki na yun. Hinatak ko si Riley para bumalik at pumasok sa loob ng mall para matapos na itong gulo na ito. I had enough of this.

"Ikaw nang bahala sa kanya, Natalie." Sabi kong nakatalikod sa kanilang dalawa. Hanggang biglang sumigaw nang ubod ng lakas nitong si Blake na halatang inis na inis sya. Bakit ba sya naiinis? Nagpatuloy na kaming maglakad palayo sa dalawang yun ng magtanong si Natalie.

"Lauren! Ayos ka lang? Bakit ganyan ka maglakad?"

Hindi na ako sumagot pa at itinaas ko na lang ang kanang kamay ko at sumenyas ng OK sa kanilang dalawa at patuloy na naglakad palayo. Hindi ako lilingon. Hindi ako lilingon.

At nakarating nga kami sa loob ng mall. Pinili naming tumambay sa Krispy Kreme dahil wala masyadong tao dito. Dumaan din muna kami ng Watson para bumili ng band aid para sa sugat ko sa tuhod. Palagi na lang ako nagkakasugat simula ng dumating yung lalaki na yun, hindi man sa katawan dito naman sa internal organ ko. Ang puso.

"Anong problema ni Mr. Rivera? Is there something going on between you guys?"

"Huh? Wala Riley! Ano, medyo nagkainitan lang kami ng ulo kaninang umaga kasi ang kulit-kulit nya nagpapalakad sya saakin kay Natalie. Oo tama, nagpapalakad sya kay Natalie, type nya kasi eh!" Sabay tawa ko na medyo plastic dahil ayoko talagang nagsisinungaling.

"Eh, bakit saakin nagalit?"

"Eh kasi sir, tinutulungan mo ako syempre pag galit ka sa isang tao ayaw mong tulungan sya ng iba diba? Kaya ganun yun."

Grabe naman itong mga palusot ko! God, patawarin nyo po ako sa mga pagsisinungaling ko ha? Alam ko naman po naiintindihan ninyo ako eh!

Pagkatapos ng event sa mall, nagpasya na din akong umuwi para makapag-pahinga dahil balik sa dating routine ang trabaho ko. Two weeks ding walang laman ang schedule with Blake kaya hindi ako mapipilitang makasama at makita sya.

Kinabukasan, pagdating ko sa office agad kong nakita yung isang red rose na nakapatong sa table ko. Hindi ako sigurado kung para saakin yun baka na missed place lang baka para kay Natalie pala. Paglapit ko dito, inamoy ko ito at talagang fresh na fresh pa sya.

Kanino kaya ito galing? Siguro kay sir Riley since sya lang naman ang umamin ng nararamdaman nya para saakin ngayon. Mag te-thank you na lang ako mamaya.

"Huuuuy! Lauren! Ayiiee kanino galing yan?"

Pang-aasar ni Natalie kahit kararating lang. Kinukurot kurot pa ako sa tagiliran nitong babaeng 'to! Hindi ko naman magawang magalit sa kanya eh, kahit na ganito ang nangyari. Kung mahal talaga nila ang isa't-isa hindi ako pipigil sa kanila dahil una sa lahat, wala na kami ni Blake.

"Wala ngang pangalan eh!" Sagot ko naman sa kanya.

"Teka kukuha kita ng vase lagay natin yan sa tubig, wawa naman baka malanta." Sabi naman ni Natalie na nakanguso pa sabay takbo palayo saakin. Kanino nga kaya galing ito?

Pagkatapos namin mailagay sa vase ang bulaklak, umalis si Natalie sa tabi ko at biglang tumakbo papasok sa office ni Blake. Ok, magsama kayong dalawa enjoy! Ayan ang nasa isip ko, hindi na dapat ako maapektuhan ng nangyayaring ito. Sisimulan kong bigyan ng chance si Riley at susubukan ko ding magustuhan sya. Kaya nakangiti akong bumaba papunta sa Applicant's area para kausapin yung mga nag-aapply.

Mamaya pa dumating si Riley may dalang juice para saakin. Inilapag nya ito sa lamesa ko at ngumiti lang. Nagpa-alam din sya kaagad dahil alam kong super busy sya. Natutuwa naman akong inaasikaso nya ako at nakakatuwang kabaliktaran ng inaasahan ko ang magiging reaksyon ng mga katrabaho ko dahil mas kinikilig pa sila saakin ngayon.

End of Chapter 16

_

AN: Yeys! Malapit na pong matapos ito ah~ Sana po suportahan nyo 'gang ending. Maraming salamat! Vote lang po, masaya na ako :) 

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon