Chapter 22

2.6K 44 1
                                    

Napagpasiyahan nila Riley na magkaroon ng outing kasama ang ilang mga katrabaho namin. Pili lang ang isinama dahil alam ni Riley na importante saakin na magkaroon ng privacy lalo na't magkakahiwalay na kami ni Blake. After nung insidente sa hospital, wala pa din nabanggit si Blake saakin may kinalaman sa mga narinig ko, hindi ko na lang inalam kung bakit pero hinayaan ko syang magkaroon ng time kung may balak pa nga ba syang sabihin iyon saakin.

Kasalukuyang nasa Boracay kami dahil miss ko talaga ang dagat ngayon.

"Ang ganda ng sunset!" Nabanggit kong malakas kahit alam kong mag-isa lang akong nakaupo ngayon sa buhanginan.

"Mas maganda ako sa sunset!" Paglingon ko, nakita ko si Natalie na dahan-dahang lumalapit saakin. May dala-dala syang malaking pamaypay kaya mukha syang ewan habang naglalakad-lakad.

"Alam ko naman mas maganda ka sa sunset, pero mas maganda naman ako sayo!" Pabiro ko sa kanya kaya bigla nya akong hinampas nung pamaypay na hawak nya. Pati buhangin napunta na sa mukha ko. At nagtatatawa naman kaming dalawa tulad nung dati kapag lumalabas kami with my colleagues.

"Sa'yo na nga si Sir Gwapo eh! Ako na lang maganda, please?" Naka-pout na sabi nito. Teka, anong saakin si Sir Gwapo? Anong alam nitong babaeng 'to?

"Ano?! Anong sir Gwapo? Baliw ka na naman ha?"

"Ha?! Wala!" Sabi nitong halatang nagdedeny naman. Sarap wisikan ng buhangin sa mukha eh. Pero bigla syang tumabi saakin at nanood lang din nung sunset. Hindi sya umiimik or kahit na ano kaya pakiramdam ko ay peaceful naman ang lahat. Maya pa bigla syang tumayo.

"Ay! May nakalimutan ako! Dyan ka lang ha?! Wag kang aalis babalikan kita."

At parang kabute na nawala si Natalie sa tabi ko. Naramdaman ko na lang na bumalik sya ng may biglang umupo sa may gawing kanan ko.

"Ano bang naka-" Putol na sabi ko ng mapalingon ako kung sinong tumabi saakin. Si Blake na pala ito.

"Ang ganda talaga ng white sand noh?"

"Wala akong pake." Sabi ko naman sa kanya ng pabiro. Ayoko pa din kasing ipahalata na bumalik na rin ang nararamdaman ko para sa kanya, dahil kung may aamin saaming dalawa, gusto ko mauna sya.

"Ang sungit mo talaga!" Sabi nya saakin sabay kurot ng pisngi ko. Puro na tuloy ito buhangin! Lecheng lalaki to! Binuhusan ko sya ng buhangin sa ulo dahilan para mainis sya saakin at habulin ako. Agad akong tumayo para makalayo sa kanya dahil for sure may gagawin saakin tong di kaaya-aya eh! Ngayon ko na lang ulit narinig na tumatawa si Blake pagkalipas ng ilang taon.

At hindi sinasadyang mapatid ako sa katatakbo hanggang matumba at mapagod kami sa pagkukulitan.

"Masaya ba dun sa Canada?" Ang bigla kong naitanong sa kanya. Kasalukuyan na kaming nakaupo at nakaharap sa dagat. Malakas ang hangin at alon ng dagat pero nag-rereflect naman ang papalubog na araw dito.

"OK lang, pero masyadong malamig. Hindi ko 'to nagawa sa Canada ng ilang taon dahil hindi kakayanin ang lamig kung pupunta ka ng mga beach dun. Tsaka maraming jelly fish ang dagat dun."

"Pa'no yan, babalik ka na dun. Mukhang balik ka na sa beach na puro jelly fish."

Napalingon sya saakin. Ilang segundo nya din akong tinitigan sa mga mata laking pagtataka ko ng bigla syang ngumiti. Yung ngiti na maraming babaeng nahimatay noon, kasama ako.

"Magpakasal tayo ulit."

"Ha?!"

Ano daw? Kasal? Ikasal daw kaming ulit? Tama ba ang naririnig ko o puno lang ng buhangin ang tenga ko?

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon