Epilogue

2.8K 39 4
                                    

Epilogue

Nandito kami ngayon sa airport. Oo, kailangan na ngang umalis ni Blake pabalik ng Canada ng agad-agad. Na parang napadaan lang sya dito sa Pilipinas. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo lang din sya sa harap ko kausap ang ilang tao.

Tumingin sya saakin at dahan-dahang lumapit.

"Wag ka na sumimangot dyan, babalik din naman ako. Ang haba na ng nguso mo oh, matangos pa sa ilong mo."

Nagawa pa talaga nya akong asarin sa pagkakataon na to! Susko! Kung alam mo lang, gusto ko ng maglupasay dito kung yun lang ang way para hindi ka na umalis e.

"Kailan yun? Kapag maputi na ang buhok nating dalawa?"

"Hindi pwede mangyari yun, kasi pagbalik ko magpapakasal pa din talaga tayo kaya ilang linggo lang, tiisin mo sarili mo na wag lapitan si Riley ha?"

Ano daw?! Yun na nga yung tumutulong saamin, lakas ng loob mo pang awayin! Naiinis ako, pero mas angat yung kalungkutan. Bakit, palagi na lang akong iniiwan? Naluluha na ako sa kinatatayuan ko kung kaya't niyakap na ako ni Blake ng mahigpit na mahigpit.

"Ma-mimiss kita agad." Narinig kong bulong nya saakin. "I love you, Lauren." Dugtong pa nya. Niyakap ko na din sya pabalik at pabulong ko ding sinabing, "I love you too. Babalik ka agad ha?"

Pagkabitaw nya mula sa pagyakap saakin, hindi ko na nakita yung mukha nya dahil ang bilis ng pangyayari. Mabilis syang tumalikod at kinuha yung bag nya. Pero parang, slow motion naman yung pag-lakad nya palayo. Palayo ng palayo saakin.

Gusto ko syang pigilan. Ito na naman ako, parang baliw. Hindi ko magawang sumigaw kahit gustong-gusto ko na. Parang pakiramdam ko may nakahawak sa leeg ko dahilan para hindi ko magawa yung gusto kong gawin. Hanggang tuluyan nang mawala sa mga paningin ko si Blake.

Kasama ko ngayon si Riley kaya sya ang nandirito ngayon sa tabi ko para palakasin ang loob ko.

"Gusto mo ng ice-cream?"

"Si-sige." Sabi ko sabay singot ng sipon kong tumutulo na papunta sa bibig ko. Mas gusto ko na lasa ng ice cream kaysa sa lasa ng sipon ko.

Kinagabihan, pagdating ko sa bahay nakita kong nakasalampak sa sofa ang kapatid ko habang nanonood ng T.V. kaya nakinood na din ako para mawala yung pakiramdam na parang nawalan ako ng taong minamahal kahit alam kong nanjan lang sya sa ibayong bansa.

Biglang naputol ang pinanonood namin ng magkaroon ng biglaang flash report.

"Sandali po naming pinuputol ang inyong panonood, kapapasok lang po ng balita mula sa NAIA Terminal 2. Isang eroplano ang bumagsak at tinatayang labing-dalawa ang nasawi."

Pagkarinig ko ng balita sa TV, agad na nanlamig ang kamay ko at parang gumapang ito papunta sa likod at batok ko hanggang pakiramdam ko ay namamanhid na ako.

"Kabilang sa mga nasawi ay sina, Oliver Perez, Arianne Santiago, Erwin Magsaysay, Kim Dong-Hee, Blake Rivera...."

Blake Rivera?

Blake Rivera?

Tama ba ang naririnig ko? Blake Rivera? Hindi ko na alam ang nangyayari sa buo kong paligid parang umiikot ito na hindi ko maipaliwanag. Si Blake? Kasama ko lang sya kanina. Kanina lang hawak-hawak ko pa ang mga kamay nya. Hindi maaring si Blake yun dahil, dahil nangako syang babalikan nya ako. Magpapakasal pa kami eh. Halos hindi ako makaiyak na parang natuyo ang luha ko sa mga mata ko. Na parang wala na akong iluluha pa!

Napatayo ako sa sobrang pagka-gulat sa pangyayari dahilan para maging light-headed ako at mawalan ng malay.

"Blake.... Blake... Saan ka na?"

"Lauren? Lauren!"

Nang maidilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Riley sa tabi ko. Isinugod pala ako sa hospital ng kapatid ko ng mawalan ako ng malay dahil tumama ang ulo ko sa kanto ng upuan. Sana, namatay na lang ako. Sana, di na lang ako nagising. Sana.... At patuloy na akong umiyak. Hindi pa din ako makapaniwalang, wala na si Blake. Wala na ang pinaka-mamahal kong lalaki sa buhay ko.

Sana, hindi totoo ang lahat ng ito. Sana nananaginip lang ako.

_

AN: Hinati ko po sa tatlo ang ending. Bahala na lang po kayong mamili kung anong ending ang gusto nyo. :)

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon