Prologue

7.7K 147 71
                                    

“Edi maghiwalay!”

Isang napakalakas na sigaw saakin ni Blake na halos natupi ako sa kinatatayuan ko. Ito na yung salitang palagi kong sinasabi sa kanya pero takot akong sabihin nya saakin. Patuloy na tumutulo yung luha ko sa pisngi ko at ‘di ko alam, natatakot din pala akong mawala yung ‘kami’.

“Mabuti na ‘to para matapos na ‘tong sinasabi mong nahihirapan ka na at nang matapos na rin ang pakikinig ko sa paulit-ulit mong pagrereklamo at pagiging nagger mo saakin.”

Sabi ulit ni Blake habang nakaupo sya sa sahig, nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. Ako naman nakatayo sa harapan nya hawak-hawak ang isang malaking kitchen knife. Ewan ko paano to napunta sa kamay ko, hindi ko naman sya papatayin pero sobra-sobra na yung galit ko sa kanya.

“Ha?! Ako pa ang nagger ngayon!? Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha?” Hindi pa din talaga nawawala yung galit ko sa kanya. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik hanggang di ko naipapamukha sa pagmumukha nya na mali sya.

“Tama na! Oo na nga diba? Payag na akong makipag-hiwalay sayo? Tumahimik ka na, ayoko na makarinig pa ng kahit na ano galing sayo.”

At tumayo na sya sa pagkakaupo nya sa sahig, dumeretso sya sa kwarto namin at kinuha yung travelling bag na binili namin noon nung nag-honeymoon kami sa Singapore. Teka, ba’t inaalala ko pa tong bagay na 'to? Maghihiwalay na nga kami eh, dapat yung masasakit na bagay na ginawa nya saakin ang maalala ko, hindi tong masasayang bagay. Leche lalo akong naiiyak.

Habang nagpa-pack sya ng mga damit nya nakatayo lang ako sa may pintuan at pinanonood ko sya. Nagagawa ko pang ituro sa kanya yung mga hinahanap nyang gamit since ako ang laging nagliligpit ng mga gamit sa bahay na to. At sya ang isang napaka-makakalimuting tao.

Walang nagsasalita saamin hanggang matapos nya ang pagpack ng mga gamit at damit nya. Tumayo sya sa harap ko ng ilang segundo at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa sala kung saan nakakalat ang lahat ng mga gamit na binato ko sa harap nya.

“Yung ibang gamit ko babalikan ko na lang, pagusapan na lang natin ung annulment natin kapag OK at kalmado ka na.”

Pagkasabi nya nun, hindi na sya lumingon pa saakin. Dere-derecho na syang lumabas ng pinto at mabagal na naglakad palayo. Nakatira kami sa isang condo unit kaya, nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya palayo sa hallway. Ang sakit-sakit, gusto ko syang pigilan, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin sya mula sa likod pero, pero nilalamon ako ng galit ko at ng pride ko.

“Blake, wag ka nang umalis. So-sorry na.”

Ang tangi kong naibulong sa sarili ko habang nahihirapan akong magpigil ng luha ko. Hanggang, hindi ko na sya natatanaw. At dito na tuluyang bumuhos ang luha ko, ang tunay kong nararamdaman. Ayoko syang mawala pero ako na ang nagtulak sa kanya palayo. Hindi na ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.  Sana one day mawala din itong sakit na to.

_

AN: Agang drama nitong story na ito. Well, matagal na po akong nagbabasa sa wattpad, pero I think it’s time para naman magsulat ako. Sana po i-add nyo po ito sa inyong RL or Library for updates. Please vote and share. Thank you! May trailer po akong ginawa para sa story na ito dun sa media box sa may kanan. A 1 minute video, hope you enjoy! :)

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon