Chapter 20

2.4K 38 3
                                    

"Moss! Mawal mo mag marking ngito."

Merong isang bingot na kumatok sa bintana ng kotse ni Blake kaya hindi ko naituloy yung pag-sasalita ko. Buti na lamang at kumatok sya kung kaya pinatakbo na ni Blake yung kotse at inihatid na ako sa bahay namin.

"Hahanapin natin ang gumawa sayo nito at hindi ako titigil hanggang hindi sya napaparusahan sa ginawa nya sayo."

"Blake, hindi na, hindi naman natuloy, OK lang ako. Wag mo nang pag-aksayahan ng panahon yun."

"Hindi pwede. Anyway, see you tomorrow."

Pagkasabi nya nun, bigla nya akong hinalikan sa pisngi ko tulad nung ginagawa nya noon tuwing hinahatid nya ako sa bahay namin nung mag boy-friend palang kami. Wala tuloy ako sa sarili ko pagpasok sa loob ng bahay. Haay! Buhay ko, bakit hinayaan kong maging masalimuot ang lahat.

Kinabukasan, pagdating ko sa office sinalubong ako ni Riley dala-dala ang coffee na binili nya sa labas.

"Coffee?"

"Thank you..."

Kinuha ko yung coffee at inilapag din sa lamesa ko. I don't feel like drinking a coffee kasi napaka nerbyosa ko na, pero iinumin ko din yan dahil galing kay Riley yan eh.

"Riley, can I talk to you.. Alone?"

At para makapag-usap ng maayos na walang tension na ibang makakarinig sa usapan namin umakyat kami sa pinaka roof-top ng building which is pinagsisihan ko. Nakakalula at nanginginig akong nakatayo ngayon sa gitna mismo. Sobrang lakas pa ng hangin kaya lalong lumalawak ang imagination ko na baka ako tangayin ng hangin at malipad sa kawalan.

"What is it, you wanna talk about?" Biglang tanong nya saakin. Magkaharap kaming dalawa ngayon.

"Well, I don't know how to start this conversation pero sige for the sake na lang ng buhay ko kasi ang taas dito ee. Hmm. Napakabait mong tao Riley, and to tell you the truth, unti-unti na akong nagkakagusto sayo. Hindi ka kasi mahirap mahalin since nasa iyo na lahat ata ng quality ng isang lalaki na hinahanap ng mga babae sa magiging asawa nila. You're responsible, sweet at caring. Palagi kang dumarating tuwing kelangan ko ng isang taong magpupuno dito sa napaka-empty kong katauhan. Pero, ngayon kasi naisip ko na I can't love you because there's still someone here in my heart."

Nakatitig lang sya saakin habang patuloy akong nagsasalita sa kanya. Hindi ko alam kung naririnig nya ako sa lakas ng hangin pero, sana hindi sya magalit saakin. Nagsasabi lang ako ng tunay kong nararamdaman.

"I know."

Nagulat akong marinig sa kanya ito. Kunot noo akong nakatingin sa kanya at balak ko na sanang itanong kung paano, pero bigla syang nagsalita muli.

"Si Blake right? I knew it, ever since dumating sya dito sa office naramdaman ko na agad na meron kayong ugnayan sa isa't isa. They way you look at him, the way he looks back at you. Parehong-pareho kayo sa isa't isa. Ilang beses ko din kasing napansin na sa sandali nyong magkasama mas naging palagay ang loob nyo sa isa't isa kung ico-compare saatin na dalawang taon na magkasama sa trabaho. And last night, mas na confirmed ko."

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Riley ngayon, pero gumagaan din yung bigat sa puso ko dahil sa paglilihim ko sa kanya may kinalaman sa kung ano ba talagang meron saaming dalawa.

"You're right... Blake, Blake is my ex-husband."

"Ano man ang meron sa inyong dalawa ngayon, sana mag work out ang lahat. And I'm not the one who gave you that rose on your table, maybe sya yun. I'm sorry for lying."

Pagkasabi nya nun, napansin kong naging malungkot yung mata nya. Yung mga mata nyang una kong napansin na attractive sa kanya. Ayoko syang saktan pero ayoko din naman syang lokohin, ngayon pa na ipakikilala nya ako sa magulang nya. Paano ako haharap sa kanila?

"But, I still love you Lauren."

At niyakap nya ako ng mahigpit na parang namama-alam na sya saakin. Wag naman ganito, naging importante naman na din sya sa buhay ko. Yumakap na lang din ako sa kanya ng mahigpit para kahit sa ganitong paraan malaman nya na mahalaga sya para saakin.

Hanga ako sa katapangan nya ngayon na sabihin saakin ang tunay nyang nararamdaman at alam kong nasasaktan sya dahil naririnig ko din iyon ngayon sa kanya. Alam ko umiiyak sya ngayong nakayakap saakin, at I'm so sorry about it.

Pagbaba namin sa floor namin nakita ko si Blake na umiinom ng juice at kakalabas lang galing sa office nya. Kunot noo na agad syang makita kaming magkasama ni Riley. Lumapit sya saakin at inialok ang iniinom nya.

"Ayoko! Kadiri ka! Ininuman mo na yan eh."

"Bakit?! Parang hindi ka naman sanay, dati naman kahit mag-share tayo sa isang baso OK lang sayo."

"Tumahimik ka nga!" Singhal ko sa kanya, sabay talikod. Patuloy pa din nya akong kinulit ng marinig kong tawagin kami ni sir Riley. Agad din naman kaming pumasok sa loob ng office nya at naupo sa upuan na nasa harap ng table nya.

"Riley, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"I got an email from our Canada Main Office, kailangan na nila si Mr. Rivera na bumalik doon. A.S.A.P."

Nagulat ako sa sinabi ni Riley. Akala ko ba, 5 months sya dito mag-stay, eh dalawang buwan palang sya dito. Tsaka hindi pa namin nagagawa lahat ng nakasulat sa schedule. Anong meron?

"Kailan nila ako kailangang bumalik?"

"Kung kelan ka pwedeng bumalik na. Wala namang petsa na inilagay pero mukhang emergency ito. Wala pa naman nai-rereport dito sa Philippines Main office kung anong meron sa kanila sa Canada kaya nakakapagtaka din itong sudden notice na ito." Paliwanag ni sir Riley.

Naku po! Aalis na sya? Iiwanan na naman nya ako? Pero, siguro ito na ang tama kasi nasabi ko din sa ate nya na wala akong interest na magkabalikan kami. Ayokong masabihan na walang isang salita. Pero, naalala ko ang ginawa saakin ng ate nya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang ate nya sa lahat ng pagpapasakit na ginawa nito saakin. Nagkatinginan na lang kami ni Blake nang marinig ang bad news, bad news kung para saakin.

"Well, since babalik ka na ng Canada Mr. Rivera, let's enjoy na lang your last days with us. How about an outing?"

After namin mag-usap usap lumabas na kami ni Blake ng office ni Riley at naupo sa table ko. As usual, wala si Natalie dahil nasa baba sya ngayon, dun talaga ang pwesto nya eh.

"Ano kayang meron? Bakit biglang pinababalik ako ng Canada?"

"Abnormal ka daw kasi." Sabi ko naman sabay tawa. Ako atang abnormal, nagawa ko pang mag-biro eh ako nga itong iiwanan nya. At ang sakit isipin na aalis na sya. Though alam ko na sa huli aalis naman talaga sya. Haay. Ang komplikado ko mag-isip. Dati gusto ko mapabilis ang 5 months ngayon, gusto ko wag na syang umalis, ang labo ko.

"Lauren, may tanong ako. Saan naganap yung pagtatangka sayo?"

"Sa-"

Hindi ko itinuloy ang pagsasalita ko, buti na lang at may tumawag sa cellphone nya. Palagi akong save by the bell! Hindi ko kasi alam kung tama bang ipa-alam ko sa kanya ang totoong nangyari saakin.

"Ha?! Ano?!"

Pasigaw na sabi ni Blake matapos makausap ang nasa kabilang linya.

"A-anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, kinabahan din ako sa biglaan nyang reaksyon.

"Nasa hospital si ate! Pinag-tangkaan syang patayin nung asawa nya!"

End of Chapter 20

_

AN: I think tatapusin ko na ito, medyo busy ako :( Pero thanks sa lahat ng nagbabasa ah~ <3 I love you all.

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon