Chapter 11

2.5K 66 18
                                    

Pagdating sa office, dumeretso ako sa upuan ko at wala si Natalie doon dahil for sure may mga kausap yung applicants or mga bagong salta dito saamin. Mabuti na lang at wala sya dahil papaulanan ako ng mga tanong nun tungkol kay Blake.

"Lauren."

"Ui, sir Riley bakit?" Medyo mas normal na ang usapan namin ngayon habang tumatagal pa na magkasama kami.

"Ito yung idea na meron ako para sa campaign na gagawin natin sa Monday. Pagplanuhan nyo na lang ha? Kailangan ko pang gawin itong mga pinadala saaking e-mail." Pagkatapos nyang iwan yung flash drive nya saakin umalis na sya at sumakay sa elevator. Bago sumara ung pinto nang elevator nakatingin pa din sya saakin at ngumiti sya. Nginingitian ako ng ganun ni Sir Riley, hindi na ata normal yun ah.

Bigla kong binatukan yung sarili ko dahil nag-aasume na naman ako. Aray! May sugat nga pala ako sa noo.

"Ouch..."

"Baliw ka na ba?"

"Huh?"

"Pagkatapos mong batukan yung sarili mo, aaray-aray ka dyan."

"Dun ka na nga lalaki ka, trip mo na naman ako." Sabi ko sabay ayos ng bangs ko, syempre si Blake na naman ang kausap ko. Sa kanya lang naman tumataas ang blood pressure ko eh.

"Tara doon tayo sa office ko dahil hindi tayo kakasya dyan sa table mo. Head ka ba ng HR Department bakit ganyan lang ang pwesto mo?"

"Meron akong sariling tanggapan ko kaso sa baba yun, HR nga ako diba? So mga applicants ang kaharap ko. Hindi naman sila aakyat dito eh, ako ang bababa."

"Tss.. Tama na paliwanag, dun tayo sa office ko sumunod ka na lang."

Pagdating ko sa office nya, nakita ko syang may kinakalkal sa bag nya tapos biglang kamot sa ulo nya.

"Anong nangyayari sayo?"

Hindi sya agad sumagot, binuksan pa nya yung mga drawer nya at inilabas ung mga papel at mga notebook nya hanggang may lumipad na isang papel palayo at napadpad sa paa ko. Dadamputin ko palang sana ng biglang kuhanin ni Blake ito. Hindi ko nakita ng buo pero napansin kong isa itong picture.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yung necktie ko, nawawala hindi ko alam kung saan ko nailagay."

Necktie. Ang necktie nya. Lumabas muna ako at ilang sandali pa ay bumalik ako ulit sa office nya at inilapag yung necktie nya sa mesa nya.

"Hindi ka pa din nagbabago, makakalimutin ka pa din." Sabi ko sabay tawa na parang walang tomorrow. Hindi na kasi sya nagbago, ganun pa din. Madali nya pa din nakakalimutan yung ilang bagay kung saan nya nilalapag. Pero kahit makakalimutin sya di nya kailanman nakalimutan ang mga importanteng araw sa buhay namin na ngayon nonsense na.

"Ikaw din kaya hindi ka pa din nagbabago, naglalaway ka pa din pag-natutulog." Sabi nya naman saakin, sabay tawa ng malakas. Ang laki nung bawi nya saakin! Nakakainis pero natawa din naman ako kasi, oo nga mula noon pag napapasarap talaga ako ng tulog di napipigilan ng laway ko lumabas sa bibig ko.

Umupo ako sa tabi nya at sinimulang tignan yung laman ng flash drive ni sir Riley. Plano pala nya mag-set ng mini concert sa Monday ng gabi. So, paano to? Kakayanin ba ng powers namin to ngayong gabi?

"Hoy, nakakunot na yang noo mo!" Bati saakin ni Blake at ipinatong ang coffee na tinimpla nya para saakin.

"Ang hirap pala ng plano ni sir, pwede kaya natin to irevised?" Tanong ko kay Blake sabay inom nung kape na tinimpla nya. Wow, ang sarap! Na-miss ko tong lasa na 'to. Hindi ko alam nakangiti na pala ako.

"Kanina kunot na kunot ang noo mo, ngayon ngiting ngiti ka naman." Sabi ni Blake saakin na nakangiti sabay inom ng kape nya.

"Naalala ko lang yung dati, ganito kasi yung coffee na tinitimpla mo every morning."

Napalingon sya saakin at tumitig saakin ng ilang segundo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya basta nakatitig lang sya saakin. Bumibilis yung takbo ng puso ko na parang hindi na malaman kung paano pa titibok ng normal. Ngayong kaharap ko sya na kaming dalawa lang, mas lalong bumabalik yung mga nararamdaman ko 2 years ago.

Para makaiwas sa tingin nya tumayo ako para pumunta sana sa comfort room pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko dahilan para mapatigil ako sa kinatatayuan ko.

"Sorry Lauren."

Pwede bang himatayin na lang ako kaysa naman hindi ako mapalagay dito sa puso ko na kanina pa parang wala sa tiempo kung tumibok? Bakit ngayon lang sya humihingi ng tawad? Ilang taon akong naghintay na mag-sorry sya. Bakit ngayon pa na hindi na namin maibabalik ang nakaraan.

Kahit nasasaktan ako, ipinagpatuloy namin ang ginagawa naming project dahil inaasahan ito ni sir Riley. Kaya buong gabi naming pinagtulungan ito ni Blake. Nakaka-antok na. Pakiramdam ko, lasing ako ang pinagkaiba lang wala akong ginagawang kabalastugan. Nakikita ko ding inaantok na si Blake kaya napagdesisyunan kong ako naman ang gagawa ng kape.

"Ako naman gagawa ng coffee natin." Pagpapa alam ko sa kanya.

"Sige, wag mong lalagyan ng lason huh?" Sabi nya na nagmamasungit pa din. Pero bago pa ako tuluyang nakatayo natipalok ako ng suot kong high heels kadahilanang nahablot ko yung longsleeve nya.

Bumagsak ako sa sahig on my back at bumagsak din si Blake on top of me. Ngayon, mas malapit na yung mukha namin sa isa't-isa. Parang hindi tumatanda si Blake dahil mula noon, yan pa din yung mukha nya. Gwapo pa din sya na isa sa dahilan kung bakit nagustuhan ko sya.

Matagal akong tinitigan ni Blake habang nakapatong sya saakin.

"B-blake?" Utal kong tawag sa pangalan nya. Pero hindi sya sumagot sa tanong ko sa kanya at mas lalong lumalapit na yung mukha nya saakin. At dahan-dahan nya akong hinalikan sa labi ko. Ito na talaga yun! Lahat-lahat ng nararamdaman ng puso ko noon para sa kanya ay bumalik na at walang duda mahal ko pa rin talaga sya.

Wala nang ibang nasa isip ko ngayon kundi ang paulit-ulit na bumubulong saakin na I am still inlove with him. Tama ba ang desisyon kong ito? Hindi ko alam pero sigurado ako, mali ang nararamdaman ko.

End of Chapter 11

_

AN: Sana po ay patuloy nyong suportahan ang Another Chance. Hahaha! Anyway, please VOTE, Comment and Add to RL. Thank you!~ @YoonPrincess ito na yung update. Hehehe mas inagahan ko ng unti :D Thanks sa pag-aabang :)

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon