Lauren

2.3K 33 6
                                    

-L A U R E N-

Edi maghiwalay!”

Bigla akong nagising sa ulirat ko ng marinig kong sumigaw si Blake. Para akong lumakbay sa panahon at oras sa nangyayari saakin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero nahihilo ako. May hawak akong kitchen knife ngayon hindi ko alam kung bakit, pero nakaupo si Blake sa harapan ko habang nakayuko.

Anong nangyayari? Bumalik ba ako sa past?! What kind of sorcery is this?

“Mabuti na ‘to para matapos na ‘tong sinasabi mong nahihirapan ka na at nang matapos na rin ang pakikinig ko sa paulit-ulit mong pagrereklamo at pagiging nagger mo saakin.”


Parang narinig ko na ito noon! Pagkasabi nya ito, agad akong tumakbo para lumapit sa kanya. At niyakap ko sya ng sobrang higpit na parang ngayon ko lang ulit sya nakita.

“Anong nangyayari sa’yo?” Nagtatakang tanong ni Blake saakin.

“I’m sorry! I’m sorry! Ayokong makipag-hiwalay sayo Blake, kasi mahal na mahal kita! Hindi ko kayang makitang mawala at umalis ka. Tapos babalik ka saakin after how many years tapos mawawala ka ulit! Ayokong mamatay ka dahil sa plane accident! I love you!”

 

Sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Bigla naman syang natawa sa mga narinig galing saakin. Napahawak sya sa mukha nya sabay tumawa.


“Kanina, galit na galit ka saakin. Ayaw mong maniwala na hindi kami nung babaeng yun at walang namamagitan saaming dalawa tapos ngayon biglang naging malambing ka naman? Anong nangyayari sayo?”

“Oo naniniwala ako! From now on, magsasabi na ako sa'yo ng totoo at hindi na ako kailanman maglilihim.”

Humarap sya saakin at ngumiti. Hinawakan nya ako sa mukha, tuloy-tuloy na pumapatak yung luha ko kaya pinunasan nya ito.

“Wag ka nang umiyak, para ka namang baby.. Sshhhh.. Tahan na. Sorry sa nagawa ko, sorry kung hindi ako agad nakauwi sa oras, sorry din doon sa picture na nakita mo, hindi ko gusto yung babaeng yun at ikaw lang talaga. Di bale, hindi na ito mauulit. Ayoko naman talagang makipag-hiwalay sa’yo, kahit gaano katigas yang ulo mo, hinding-hindi kita susukuan kasi mahal na mahal kita.”

Nang marinig ko iyon, lalo akong napaluha sa harap nya. Hawak ang magkabilang pisngi ko pinisil nya ito ay iniangat para halikan ako sa labi ko. Ano man ang nangyari ngayon, masaya akong hindi na kami nag-hiwalay pa, at iingatan ko ang relasyon na ito habang buhay.

“Tara na, maglinis na tayo dito.” Sabi nya saakin habang hinihimas ang likod ko sabay tingin sa nakakalat na mga gamit dahil sa pag-aaway namin.

THE END

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon