Chapter 13

2.4K 56 19
                                    

Naabutan nya kaming halos magkayakap ni Blake sa sofa dahil sa inakay ako nito na umupo. Tumingin saakin si Blake ng masama at pasigaw na nagtanong.

"Bakit hindi mo sinara yung pintuan?!"

Oo nga! Nakaka-tanga! Bakit nga ba hindi ko nai-lock yung pintuan namin? Wala kasi kaming gate pero meron kaming maliit na garden sa harap ng bahay namin. Kahit masakit ang likod ko, tumayo ako at nagbigay galang sa ate ni Blake.

"Good afternoon po." Ang bati ko lang sa kanya pero hindi ako makatingin sa mukha nya ng derecho. Laking gulat ko ng nag-derecho pasok sya loob ng bahay ko at sinampal ako ng ubod ng lakas sa kanang pisngi ko. Literal akong nakakita ng star at medyo nag-black out yung paningin ko ng sampalin nya ako. Ilang segundo ding nag-tinnitus yung tenga ko sa ginawa nyang pagsampal saakin.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko pero kita ko ang reaksyon ng mukha ni Blake ng makita nya kung paano ako sinaktan ng ate nya sa loob mismo ng pamamahay ko.

"Ate?! Bakit mo ginawa yun?" Narinig kong sabi ni Blake sa ate nya sabay hawak sa mga braso nito.

"Talagang sinusundan mo itong kapatid ko? Ano bang habol mo sa kanya? Pera ba? Pagkatapos mong sirain ang reputasyon nya ng humingi ka ng annulment ng kasal nyo ngayon maghahabol-habol ka? Di ba noon pa sinabihan kitang wag mo nang ituloy yung kasal nyo? Madami na akong inoffer sayo para layuan mo sya pero matigas yang kokote mo! Ilang sampal pa ba ang gusto mo?!"

Tuloy-tuloy na pagsasalita ng masakit saakin ng ate nya. Ayokong kumibo dahil kahit ganoon, ginagalang ko pa din sya. Kahit ilang beses nya na akong nasampal noon, ginagalang ko pa din sya dahil ano mang gawin namin, naging in-law ko pa din sya.

"Ano ate? Anong sabi mo? Pinilit mo syang wag ako pakasalan noon? Totoo bang narinig ko?"

Napalingon ako kay Blake, dahil mula noon wala akong nakwento sa kanya sa lahat ng masasamang nagawa saakin ng ate nya. Kahit ilang beses akong nasampal ng ate nya sa pangangatuwiran ko, sa paninindigan ko sa nararamdaman ko para sa kanya. Pinili ko pa ding ma-ikasal sa lalaking 6 years kong pinangarap na sana mapansin ako noong nasa high school at college pa kami.

"Ano naman kung totoo, natuloy naman ang kasal nyo noon diba at wala naman na kayo e? At bakit ka nandito sa bahay nitong babaeng 'to? Ano pinipikot ka ba nya?"

Ang sakit. Please tama na. A-ayokong sumagot sa kanya pero hindi ko na kayang magbingi-bingihan pa.

"Ma'am, hindi ko po sya pinipikot at wala po akong intensyong kahit na ano para maging kami ulit. Nagkataon lang pong ipinadala si Blake dito sa Pilipinas para maging representative ng Canada. Alam ko pong, he's striving for perfection kaya hindi na po ako nagulat na sa NBP din sya pumasok dahil sa taas ng standard nya. Magandang company ang NBP kaya dito ko din napiling mag-trabaho. Kailangan ko ding patunayan sa sarili ko at sa ibang taong nag-mamaliit saakin na hindi ko kailangan ng kahit sino para mapaunlad ang buhay ko."

Hindi ko alam, tumutulo na pala ang mga luha ko sa pisngi ko. Hindi na kinakaya ng puso ko ang mga nangyayari saakin nitong mga nakaraang linggo. Nakita kong napatingin si Blake saakin na parang sinasabi ng mata nya saakin na dinadamayan nya ako, pero ang mga mata naman ng ate nya ang kabaliktaran nito. Tumingin ito saakin ng masama at lumabas ng pinto ng bahay namin.

"Ate!" Narinig kong sabi ni Blake sabay habol sa ate nya.

"Mag-usap tayo mamaya, babalik ako dito sandali lang."

Hindi ako sumagot sa sinabi nya. Ang totoo, gusto kong piliin nya ako at mag-stay sya sa tabi ko para samahan ako. Pagtalikod nya saakin, gusto kong hablutin yung t-shirt na suot nya palapit saakin. Tinitigan ko sya hanggang makalayo sya at tuluyang mawala sa paningin ko. Ganitong-ganito yung eksena 2 years ago. Halos parehas din ang dahilan. Dito na tuluyang lumabo yung paningin ko at napahagulgol ako ng iyak habang nakaupo sa sahig.

Alam ko, wala na akong karapatan para piliin nya pero ang sakit-sakit dahil sa kaibuturan ng puso ko sya pa din ang nilalaman eh. Sana kahit minsan, panindigan naman nya ako sa harap ng pamilya nya.

Ilang minuto din akong nakaupo sa sahig at nakayuko sa mga tuhod ko nang maramdaman ko ang dampi ng malamig na coke-in-can sa braso ko.

"Iyakin ka pa din?" Narinig kong sabi nya at umupo sya sa tabi ko.

"Hindi." Sabi ko naman na medyo humihikbi pa. Nakayuko pa din ako sa tuhod ko habang yakap-yakap ito.

"Sorry."

Narinig kong sabi nya saakin.

"Hindi ko alam na nangyayari pala ito noon. Bakit hindi mo saakin sinabi na ganito pala ang trato nila sayo? Bakit pinagtatakpan mo sila sa harap ko? Hin-hindi tuloy kita naipagtanggol..."

Napa-buntong hininga sya. Nang marinig ko ito, napalingon ako sa kanya at nakikita ko ang sincerity sa mata nya. Sana noon pa naging ganyan na sya saakin, edi sana mas nagtagal or sana hanggang ngayon mag-asawa pa din kami.

"Kalimutan mo na yun, wala naman na ding mangyayari kung babalikan natin yung nakaraan. Ituloy na lang natin yung dapat nating gawin dito. Five months lang naman diba? Pag-tiyagaan mo na lang muna ako, pagti-tyagaan din muna kita." Sabi ko sabay tayo sa pagkaka-upo sa sahig. Kinuha ko yung iniabot nyang coke at ininom.

"Oo, past nga. Pero hindi ka mabubuo bilang isang tao kung hindi dahil sa nakaraan na iyon." Pagkatapos nyang sabihin iyon, nagpa-alam na sya saakin dahil may pupuntahan pa daw syang event kaya hinayaan ko na ding umalis sya. Naghanda na lang ako para sa pagkikita namin ni Riley ngayong gabi.

Kinagabihan nakarinig ako ng busina ng kotse sa tapat ng bahay namin. Siguro si Riley na ito kaya agad akong sumilip sa bintana, nakita ko ang kotse nya kaya pinatay ko na yung ilaw sa bahay at lumabas ng pinto.

Pagkakita nya saakin, pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako sa loob ng kotse nya. Nakakatuwa na may halong hiya ang nararamdaman ko ngayon dahil kahit hindi sinasadya laging dumarating si Riley tuwing nalulungkot at na-istress ako sa buhay ko.

"You look beautiful."

"Hindi ako sanay tumanggap ng compliments eh, pero thank you."

Ang nasabi ko sa kanya. Ilang sandali pa dumating na kami sa isang restaurant na mukhang mamahalin dahil sa labas pa lang parang nagliliwanag ung restaurant na parang shining gold.

"Ang ganda naman dito, dito tayo kakain?"

"Nagustuhan mo ba? Gusto ko kasing makabawi sa'yo. Tignan mo malapit ito sa dagat, di ba gusto mo ng dagat?"

Actually, hindi naman sa gusto ko ng dagat. Marami lang talagang masasayang memory ang dagat saakin at nang pinagpasyahan kong kalimutan ang lahat kasama na dun ang hindi ko pagbisita sa kahit na anong beach.

"Gusto mong makabawi? Para saan?"

"Para doon sa nagawa ng mom ko sayo nung nandun tayo sa meeting. I know hindi naging maganda ang pagkikita nyo dahil sa nagawa kong hindi pag-attend sa blind date na si-net nya para saakin. Masyado kasing bata yung sinet nya para saakin that time at hindi talaga ako sanay sa blind date kasi mas maganda pa din kung makikilala mo ng natural yung mamahalin mo."

Hindi pa kami nakaka-simula kumain ng makatanggap ako ng text galing sa Ate ni Blake.

7:15 PM "Magkita tayo ngayon."

End of Chapter 13

_

AN: Thanks for reading! Hindi po ganun ka formal ung pagkasulat ko pero I hope you won't mind. Sorry sa lahat ng errors. Please add to RL/Vote/Comment! :) Choi Ji-Woo as yung Ate ni Blake. lol

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon