Chapter 12

2.4K 66 17
                                    

Gulat man, ipinikit ko ang mata ko para mas madama ko ang halik na talagang na-miss ko. Ang labi nyang kay tagal kong hindi nahalikan. Nang alisin nya ang labi nya saakin dito na ako tuluyang natauhan kaya naitulak ko syang bahagya palayo saakin. Bumangon na ako at inayos ang magulo kong buhok.

"Ano, kukuha na ako ng kape. Dito ka lang, wa-wag kang aalis dyan." Sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin sa kanya, naiwan ko pa ang mga baso namin sa kaba ko kaya bumalik pa ako para kuhain yun. Naaligaga ako sa mga nangyayari saamin ngayon.

Pagbalik ko ramdam ko ang tension na nangingibabaw saamin dalawa.

"Na-narinig ko, nandito pala yung Ate mo ngayon." Ang tangi kong na-open na topic sa kanya. Hindi ko naman pwede i-open ang topic tungkol kay Natalie ngayon dahil baka mauwi sa ibang usapan eh.

Nang banggitin ko ang tungkol sa ate nya bigla syang nataranta at kinuha yung cellphone nya. Nang mabasa ang messages, napa-facepalm na lang sya.

"Buti pinaalala mo. Sya dapat ang kasama ko sa dinner date ngayon dahil galing syang Europe kasama yung asawa nya." Paliwanag ni Blake. So, nag-asawa na din pala yung ate nya. Ngayon kaya na-realize nya na kung gaano kasakit saakin ang nangayari sa buhay asawa ko ng dahil sa kanya?

"Edi paano yan? Hindi ka nakapunta, baka malaman nya pang ako ang kasama mo ngayon, sigurado lamog na naman ako nito."

"Hindi naman nya alam na kasama kita ngayon sa trabaho eh. Wag kang mag-alala."

Pagkatapos ng ilang kwentuhan, itinuloy na din namin ang ginagawa namin. At nang dahil sa pagtutulungan natapos namin ito bago mag alas-kwatro ng madaling araw. Sabi nga nila, two is better than one.

"Ihahatid na kita.."

"Ayoko, magtataxi na lang ako."

"Delikado kahit taxi, yung iba hinoholdap pag ganitong oras. Sumakay ka na dito at ihahatid kita. Ang tigas pa din ng ulo mo kaya tayo nag-" Putol na pagsasalita nya. Alam ko naman kung anong sasabihin nya eh nahiya pa ituloy.

"Oo kaya tayo naghiwalay dahil matigas ulo ko. Ako na! Ano kaya yung ginawa mo nung araw na yun bakit tayo nauwi sa hiwalayan?" Patanong kong halatang sarkastika dahil iniirapan ko sya ng mga mata ko. Pero humawak lang sya sa batok nya at nanatiling mahinahon.

"Sumakay ka na lang nang makatulog na tayo sa bahay natin, I mean sa mga bahay natin."

Sumakay na lang din ako nang makatipid din ako sa pamasahe. Sayang din yung ibabayad ko sa taxi eh. Pagpasok ko sa kotse ni Blake nakita ko yung inilagay kong Spongebob na stuff toy noon sa may aircon ng kotse nya, hindi pa din nya pala ito inaalis. Pero hindi ko pa tinatanong pinaliwanag na nya agad saakin. Ang defensive nitong taong to.

"Hindi ko pa yan tinatanggal kasi nung iwan ko ‘tong kotse ko dati hindi ko na tinanggal mga laman kaya nanjan pa din. Akin na, itatapon ko na lang yan." Sabi nya sabay hatak nung Spongebob at inilagay sa drawer ng kotse nya. Nasaktan ako dun. Matagal na yun dito sa kotse nya, mag-asawa pa kami nung ikabit ko yun dahil favorite ko si Spongebob. Pero ngayon, itatapon na lang daw nya. Ang sakit. Parang kung paano naitapon yung samahan namin.

Kinabukasan, 1PM na ako ng hapon nagising dahil sa sobrang puyat at meron na akong 20 missed calls at 10 texts, galing kanino? Kay Riley at kay Blake lang naman. Yung iba mga Globe Rewards, mga Tipid Tips at isang number na unknown. Hindi ko alam kung sino una kong tatawagan pero bago pa ako nakapag pasya nag ring na ang phone ko at agad ko itong sinagot.

Another Chance With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon