Sa sobrang pag-eemote, hindi ko na namalayang nasa bahay na pala kami. Nagseselebreyt na ang lahat dahil sa pagbabalik ni kuya.
Habang ang lahat ay nagsasaya, ako naman ay nasa isang tabi at nagmumukmok. Naisip ko bigla ang pangako ni kuya, isang pangakong napako lamang. Nakakainis! Naniwala pa naman ako.
Wala akong ibang ginawa kundi magmunimuni. Hindi ko na nga napansin ang paglapit sa akin ni kuya.
“oh Sylvanna, anong ginagawa mo dyan?” tanong ni kuya na hindi ko sinagot.
Muli nyang inulit ang tanong pero hindi pa rin ako sumagot. Napansin ata nya na wala talaga akong balak sumagot kaya iniwan na lang nya sa tabi ko ang pasalubong nya sa akin. Nang makita ko yun, nakaramdam ako ng tuwa at ako’y napangiti.
