“E di ngumiti ka rin!” biglang sabi ni kuya nang makita ang mga ngiti sa aking labi.
“natuwa lang ako kasi may pasalubong ka sa akin”
“syempre naman! Sige na buksan mo na” nakangiting anyaya ni kuya
At binuksan ko nga. Isa palang doll. Ang cute!
“nagustuhan mo ba? Si Ana mismo bumili nyan”
Nagulat ako sa sinabi nya. “sya? Bakit hindi ikaw?”
“hindi ko kasi alam kung anong bibilhin kaya sya nalang ang bumili para sa akin”
Hindi ako sumagot. Tila ipinagmamalaki pa ata ni kuya ang ginawa ni Ana. As if naman natutuwa ako!
“galit ka?”
“bakit naman ako magagalit?”
“kasi si Ana ang bumili ng pasalubong ko para sa’yo”
Hindi ulit ako sumagot. Inulit na naman nya ang ginawa ni Ana. Para bang gusto nyang pasalamatan ko si Ana sa ginawa nya. Bakit ko naman gagawin yon? Sinabi ko bang ibili nya ko? Hindi naman eh.
“sorry na” malambing ang pagkakasabi ni kuya ngunit hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay umakyat ako sa aking kwarto. Doon ako muling nagmukmok. Mga ilang sandali lang ay naramdaman kong may pumasok sa aking kwarto.
