Punung puno na talaga ako. Nasabihan kong manloloko ang kuya ko. Alam kong masama yun pero yun ang totoo eh! Manloloko sya!
“hindi kita niloko. Totoo lahat ng sinabi ko sa’yo”
“sinungaling!”
“nagsasabi ako ng totoo. Hindi kita niloko. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Kung nasaktan ka dahil ikakasal na kami ni Ana, humihingi ako ng tawad sa’yo”
“huli na ang lahat kuya, nasaktan mo na ako. At alam mo ba kung anong pinakamasakit sa lahat? Yun ay ang kalimutan mo na birthday ko ngayon!”
