Biglang natawa si kuya. Anong nakakatawa sa mga sinabi ko? May gana pa syang tumawa ngayon?!
“yun ba? Ano ka ba naman Sylvanna, nagkunwari lang ako na nakalimutan ko. Gusto kasi kitang isurprise eh. Tingnan mo, may regalo pa ako sa’yo”
Para sa akin pala ang bagay na kanina pa nya hawak. Isang puting teddy bear na may hawak na envelope. Yun ang teddy bear na matagal ko ng pinapangarap. Isang teddy bear na sa Paris lamang mabibili.
Kukunin ko na sana yun nang biglang sabihin ni kuya na “alam mo bang tinulungan pa ako ni Ana na mabili yan”
Sa halip na matuwa ako ay lalo pa akong nagalit. Sa sobrang galit ay itinulak ko ang kuya ko.
“ayoko nyan! Sinasabi ko na nga ba si Ana na naman nakaisip nyan!”
“ano namang masama don?”
“dati di mo na kailangan ng tulong ng ibang tao para bilhan ako ng regalo. Pero ngayon, si Ana na ang pinabibili mo! Hindi galing sa puso mo yang regalong yan! Ayoko nyan! Ibigay mo yan kay Ana!”
“Sylvanna...”
“tumigil ka! Anong klaseng kapatid ka?! Sinungaling! Manloloko! Umalis ka sa harapan ko! Dun ka na kay Ana! Magsama kayo!”
“Sylvanna!”
Tumakbo ako palayo. Hindi ko napansin na may paparating palang sasakyan. Sumigaw si kuya para pabalikin ako pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko.
Nakita ko na lamang si kuya na tumatakbo papunta sa akin pero huli na ang lahat. Malapit na ang sasakyan. Ito na ata ang aking katapusan.
Paalam kuya...ngayon, malaya na kayo ni Ana...