Chapter 6

19 1 0
                                    

“galit ka daw sabi ng kuya mo?”

Hindi ko pinansin ang tanong nya. Naiinis kasi ako sa kanya.

“wag ka na sanang magalit. Tinulungan ko lang naman ang kuya mo eh”

“alam ko!” medyo nagagalit na ako nang mga oras na ito.

“un naman pala eh. Kung ganon wag ka ng magalit”

“hindi nga ako galit eh, bakit ba ang kulit mo ha?!”

“uhm...ano...kasi...ah...” natatameme na si Ana, siguro dahil sa kaba.

“kung wala ka namang sasabihing matino, pwede ba umalis ka na. Dun ka nalang kay kuya!”

Nagalit na talaga ako kay Ana. Di ko na napigilan ang sarili ko kaya napagtaasan ko sya ng boses. Eh kasi naman, nakikisali sya sa gulo naming dalawa ni kuya. Masyado syang pakialamera, feeling close!

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon