Chapter 9

19 1 0
                                    

Sobrang kahihiyan talaga inabot ko kanina sa school. Pinagtawanan ako. Ininsulto. Inasar. Lahat na ata ng panghahamak ay ginawa nila sa akin.

Sobrang sakit. Sobrang sakit talaga ng ginawa nila at lahat yon ay dahil kay Ana. Kasalanan nya yon! Kung di lang sya dumating sa buhay namin, e di sana di yon nagyari.

Pag-uwi ko ng bahay inabutan ko si kuya at Ana na nagtatawanan. Wow! Ang saya nila ha! Samantalang ako...haay...

Binati ako ni Ana pero hindi ko sya pinansin. Naisip ko bigla sa aking sarili, “wala kang karapatan para batiin ako. Kasalanan mo kung bakit magulo buhay ko ngayon. Gagawin ko ang lahat, ang lahat wag lang makasal sa’yo si kuya.”

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon