Chapter 8

19 1 0
                                    

Kinabukasan, ako lang sa aming magkakaklase ang walang dalang regalo. Halos lahat ang tanong sa akin ay “bakit wala kang regalo? Nakalimutan mo ba?” syempre hindi! Hindi ako ulyanin noh!

Pero syempre, hindi ko sila pwedeng sagutin ng ganun. Sinabi ko nalang “hindi ko nakalimutan. Ayaw kasi akong samahan ni kuya kasi may lakad sila ni...nung girlfriend nya”

Isa sa mga classmate ko ang nagsalita. “so mas inuna pa pala ng kuya mo ang girlfriend nya kesa sa’yo. Hahahaha”

Nang-aasar ang tono ng boses nya. Naiinis ako! Sabi ko sa kanya “planado na kasi yung lakad nila kaya di na pwedeng icancel”

Sumagot ang classmate kong may birthday. “ows? Kala ko ba one and only ka ng kuya mo, kung totoo yun e di sana mas inuna ka nya”

“hahahahahaha” Malakas na tawanan ng mga classmate ko ang sumunod.

“hahahahahaha” lahat ay nagtatawanan, tila ba nang-aasar dahil di tinupad ni kuya ang pangako nya. Alam ko naman yun eh pero sana wag na nilang ipamukha pa. Ang sakit eh!

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon