Chapter 12

13 1 0
                                    

Malapit nang gumabi ngunit wala pa rin si kuya. Nag-eenjoy pa atang kasama si Ana. Kawawa naman ako. Birthday na birthday ko pero kinalimutan ako ng kuya ko.

Sa sobrang sama ng loob ay nakatulog ako. Umaasa ako na sa paggising ko ay nandun na si kuya, may dalang regalo, babatiin ako at pagkatapos ay yayakapin. Pero pinaasa ko lang ang sarili ko dahil nang magising ako ay wala pa rin ang kuya ko.

Nasaan na ba sya? Saang lupalop ba ng mundo sila nagpunta? Galit na galit na talaga ako. Hindi ko na ‘to kaya pa. Sa sobrang galit, humarap ako sa salamin at sumigaw...

“ano bang meron sa Ana na yon? Ano bang nagustuhan sa kanya ni kuya? Wala naman syang kwentang babae, wala syang kwenta!”

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon