Ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang bumalik si kuya. At sa mga araw na nagdaan, walang ibang ginawa si kuya kundi makipagkwentuhan at mamasyal kasama si Ana.
Wala syang ibang bukambibig kundi si Ana, puro nalang si Ana. Naririndi na nga ako eh, parang mababasag ang eardrums ko. Ang masama pa dun, binabalewala na ako ni kuya. Hindi na ako ang priority nya. Minsan nga sa school...
“kuya! Kuya Aldred!” tinawag ko sya ng malakas nang sa gayon ay marinig nya ako.
“ano yun?”
“birthday ng classmate ko bukas, gusto ko syang bigyan ng regalo. Samahan mo naman akong bumili”
Ilang sandal ring di nagsalita si kuya. Maya-maya ay nagsalita na sya. Sabi nya “naku pasensya ka na Sylvanna pero di kita masasamahan ngayon. May lakad kami ni Ana eh. Next time na lang”
“pero bukas na yun eh. Samahan mo muna ako”
pagalit akong sinagot ni kuya. “may lakad nga kami ni Ana eh. Di mo ba naiintindihan yun?!”
“kasi naman kuya...”
Di pa nga ako tapos sa sinasabi ko ay sumagot na agad si kuya. Galit. “kung hindi mo kayang bumili mag-isa e di wag kang bumili! Wag ka ng umalis! Umuwi ka na sa bahay!”
Nakakatakot talaga si kuya. Ngayon lang nya ako sinigawan. Bakit nga ba nya ko sinigawan? Dahil nagpapasama ako sa kanya? Eh normal lang naman yun ah! Nakakainis talaga! Dahil kay Ana kaya nagagawa na akong sigawan ni kuya.