“Sylvanna!” sabay sampal ni kuya sa mukha ko. “anong karapatan mo para magsalita ng ganon tungkol kay Ana?!”
Napakasakit. Sobrang lakas ng sampal ni kuya, halos matanggal ang aking panga. Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
Nang makita kong papalapit si kuya sa akin, bigla akong natakot. Kitang kita sa kanyang mata ang galit. Tumakbo ako. Tumakbo ako palabas ng bahay. Hinabol ako ni kuya at doon nagsimula ang aming sagutan.