Chapter 3

29 1 0
                                    

Halos madurog ang puso ko sa narinig ko. Ang mga ngiti sa aking labi ay biglang nawala. Ang kasiyahang nararamdaman ko ay napalitan ng kalungkutan. Kulang nalang ay mapaiyak ako.

Pero syempre, dapat ipakita kong masaya ako dahil bumalik na si kuya at dapat ipakita ko rin na natutuwa akong makilala si Ana, ang girlfriend nya na malapit na ring maging asawa nya. Pero paano? Paano ko maipapakita na masaya ako kung deep inside ay nalulungkot at nasasaktan ako? Paano? Kailangan ko ng sagot!

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon