Parang balewala lang sa kanya ang pangako nya. “oo! Dahil don kaya nagagalit ako!”
“pero...”
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si kuya. “nagagalit ako dahil pinaasa mo lang ako. Sabi mo ako lang ang one and only sa puso mo. Sabi mo di mo ko pababayaan. Pero bakit ngayon binabalewala mo ko?!”
“hindi totoo yan!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong napaiyak. Para akong isang bata na inagawan ng candy. Patuloy pa rin ako sa pagsasalita habang naiyak.
“naiinis ako sa’yo kuya dahil mas mahal mo pa si Ana kesa sa akin. Ipinapakita mo sa lahat na mas mahalaga sya kesa sa akin. Alam mo ba nang dahil kay Ana kaya hinahamak ako ngayon ng mga classmate ko? Lahat sila ipinapamukha sa akin na utu-uto ako dahil naniwala ako sa pangako mo. Niloko mo lang ako!”