“anong problema mong bata ka?!”
Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita. Para bang naiipit ang boses ko. Muling inulit ni kuya ang sinabi nya. Sa pagkakataong ito ay nasagot ko na sya.
“wala akong problema, ikaw ang may problema!”
“ako?! Wala akong ginagawang masama!”
“akala mo lang yon! Magsama kayo ni Ana!”
Lalong nagalit si kuya dahil idinamay ko si Ana. “wag mong idamay si Ana dito!”
“nang dahil sa kanya kaya di mo na tinupad ang pangako mo!”
“anong pangako?”
“hindi mo maalala?! Yun ang pangako mo noon sa akin sa airport!”
“dahil lang don kaya ka nagagalit?”
